JoomlaLock.com All4Share.net
Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
Tuesday, 21 November 2017 15:07

WIN TUTOL SA PAGBABALIK SA PNP SA WAR ON DRUGS

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

TUTOL SI SENATOR WIN GATCHALIAN NA PUMAPEL NGAYON ANG PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) SA MATINDING KAMPANYA NG DUTERTE ADMINISTRATION LABAN SA ILIGAL NA DROGA.

SINABI NI GATCHALIAN NA KONTENTO NA ITO SA RESULTA NG TRABAHO NG PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY (PDEA ) SA UNANG BUWAN NG PANGUNGUNA NITO SA DRUG WAR.

GINAWA NI GATCHALIAN ANG PAHAYAG  MAKARAANG SABIHIN NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE NA POSIBLENG PAKILUSIN NIYA MULI ANG PNP PARA MAGSAGAWA NG MGA ANTI-ILLEGAL DRUG OPERATIONS.

TINUKOY NG SENADOR  SA 1,341 ANTI-ILLEGAL DRUG OPERATIONS NA IKINASA NG PDEA MULA OCTOBER 10 HANGGANG NOVEMBER 10 AY UMABOT SA 404 DRUG PERSONALITIES ANG NAARESTO AT P54 MILLION PESOS NA HALAGA NG ILIGAL NA DROGA NAMAN ANG NAKUMPISKA.

IGINIIT PA NI GATCHALIAN, SA NABANGGIT NA MGA OPERASYON AY DALAWA LANG ANG NAPAULAT NA NASAWI NA KINABIBILANGAN NG ISANG PDEA AGENT AT ISANG DRUG SUSPECT.

DAGDAG PA NG SENADOR, SA HALIP NA PAKILUSIN MULI ANG PNP AY MAS MAKABUBUTING BIGYAN NG MAS MAHABANG PANAHON ANG PDEA PARA TUPARIN ANG MANDATO NITO.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

NANGANGAMBA SI LIBERAL PARTY (LP) PRESIDENT SENADOR FRANCIS KIKO PANGILINAN SA BANTA NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE NA DEKLARASYON NG REVOLUTIONARY GOVERNMENT.

PALIWANAG NI PANGILINAN, ANG RERVOLUTIONARY GOVERNMENT AY WALANG PINAGKAIBA SA DIKTADURYA, KUNG SAAN WALANG UMIIRAL NA DEMOKRASYA AT KALAYAAN SA PAMAMAYAG.

NANINIWALA SI PANGILINAN NA WALA NG BUHAY AT PAMUMUHAY NA LIGTAS SA DAHAS MULA SA MGA TIWALING PULIS NA MAMAMAHALA SA ISANG REVOLUTIONARY GOVERNMENT .

WALA NA RIN ANIYANG ELEKSYON DAHIL TERM EXTENSION NG MGA NAKAUPO AT APPOINTMENT NA LANG NG MGA SIPSIP SA PULITIKA ANG MANGYAYARI AT WALA NA RING MAGIGING HADLANG NA ILAKO AT IBENTA ANG ATING KARAGATAN AT MGA LUPAIN SA TSINA.

IGINIIT PA NI PANGILINAN, SA GANOONG KLASE NG GOBYERNO AY WALA NA RING TUTUTOL O TUTULIGSA SA HINDI TAMANG PALAKAD NG ADMINISTRASYON AT MAGING ANG MGA SABWATAN SA ANUMALYA AT SINDIKATO AY MABABAON NA LANG SA LIMOT.

BUNSOD NITO UMAPELA SA MAMAYAN SI PANGILINAN NA TUTULAN ANG PAG IRAL NG REVOLUTIONARY GOVERNMENT PARA HINDI MAGANAP SA BANSA ANG WALANG KAPANTAY NA PANG-AABUSO, PATAYAN, AT PANGUNGURAKOT.

Tuesday, 21 November 2017 08:08

TANGGAPAN NG MANILA TIMES NASUNOG

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

MUNTIK NANG MATUPOK ANG MGA DYARYO NANG ISANG PRINTING ESTABLISHMENT KUNG HINDI NAPIGILANG KUMALAT ANG APOY NA NAGSIMULA SA IKALAWANG PALAPAG NITO.

PASADO ALAS-4:00 NG UMAGA, NANG NASUNOG ANG IKALAWANG PALAPAG NG MANILA TIMES NA UMAKYAT SA IKALAWANG ALARMA GANAP NA 4:18.

AYON KAY LITO NAVAREZ, ISANG MAINTENANCE WORKER, MAY NARINIG NA LAMANG SILANG MALAKAS NA PAGPUTOK AT MAKARAAN NITO AY SUMIKLAB NA ANG APOY.

NASA IKALAWANG BAHAGI NG GUSALI ANG ILANG MGA KARTON, PAPEL AT PATI NA RIN MGA BASURA.

HINDI NAMAN NADAMAY ANG MGA DYARYO NA IDE-DELIVER PA LAMANG NA NASA IBABANG BAHAGI MG GUSALI.

WALA NAMANG NASUGATAN SA SUNOG NA IDINEKLARANG FIRE OUT MAG ALAS-5:00 NG UMAGA.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

UMALMA ANG MGA FARM EMPLOYEES NG DV BOER FARM NA PAG-AARI NI DEXTER VILLAMIN SA GINAWANG PAGPAPASARA NG KANILANG TALIPAPA NG ALKALDE NG LIAN BATANGAS.

NAGTUNGO ANG MGA TRABAHADOR NG NATURANG FARM SA TANGGAPAN NI MAYOR ISAGANI BOLOMPO UPANG KUNIN ANG KAUSAPIN ANG ALKALDE AT MAGING NG MGA TINDERA SA PALENGKE NA NAGREKLAMO SA ALKALDE NA IPASARA ANG TALIPAPA DAHIL SA SOBRANG BABA NG PRESYO KUNG SAAN APEKTADO ANG KANILANG PANINDA.

SA PAGHAHARAP NAUNAWAAN NG ALKALDE ANG SITWASYON NG MGA TRABAHADOR AT TINDERA NG TALIPAPA NA PAG-AARI NG DV BOER FARM KUNG SAAN NATAPOS DIN ANG GUSOT.

IPINALIWANAG NI VILLAMIN, PRESIDENT AT CEO NG DV BOER FARM NA KAYA MAS MABABA ANG PRESYO NG KANILANG KARNE DAHIL SA ANG MGA NAG-AALAGA NG KANILANG BABOY AY ANG KANIYANG MGA KAPITBAHAY LAMANG.

NANGANGAMBA SI VILLAMIN NA MAHIGIT SA 200 TRABAHADOR NG FARM ANG MAWAWALAN NG HANAPBUHAY SAKALING TULUYANG IPATIGIL ANG PAGBIBENTA NG MAS MURANG KARNE SA KANILANG TALIPAPA.

MALIBAN SA MGA TRABAHADOR, TINUTULUNGAN DIN NG DV BOER ANG KOMUNIDAD SA PAMAMAGITAN NG PAGBIBIGAY NG PUHUNAN SA MGA TAO SA TULONG NG DV BOER MICRO FINANCE PARA MABIGYAN DIN SILA NG HANAPBUHAY.

KASABAY NITO, INALOK NG TULONG NI VILLAMIN ANG MGA NAGREREKLAMONG TINDERO NA MAAARI RIN SILANG MAG-ALAGA NG BABOY PARA MADAGDAGAN DIN ANG KANILANG KITA.

NAGING MAAYOS NAMAN ANG PAGPUPULONG NI VILLAMIN AT MGA TINDERO KASAMA ANG ALKALDE  KUNG SAAN NILA NAPAGKASUNDUAN NA MAGTULUNGAN NA LAMANG PARA SA IKABUBUTI NG LAHAT.

 

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: FELIX TAMBONGCO

MANANATILING NAKA POKUS ANG KAMARA PARA MAIPASA ANG NATITIRANG LEGISLATIVE PRIORITIES NGAYONG TAON KAHIT PA UMUSAD NA ANG IMPEACHMENT COMPLAINT LABAN KAY CHIEF JUSTICE MARIA LOURDES SERENO. 

ITO ANG TINURAN NINA HOUSE DEPUTY SPEAKERS GWENDOLYN GARCIA AT SHARON GARIN, SA BI-MONTHLY PRESS CONFERENCE SA KAMARA. 

AYON SA MGA KONGRESISTA,  HINDI NILA IAANTICIPATE ANG IBANG MGA KOMITE NA MAGING STAGNANT DAHILAN LAMANG SA PAGIGING BUSY NG JUSTICE COMMITTEE NA AAKTO SA IMPEACHMENT COMPLAINT LABAN KAY SERENO.

SA KASALUKUYAN UMANO AY MAY 56 AKTIBONG STANDING COMMITTEE ANG KAMARA NA KAHIT PA TIME CONSUMING ANG 2018 NATIONAL BUDGET AY AGAD NILANG NATAPOS.

MAGING ANG 7 PRIORITY MEASURES NA NAKAPALOOB SA LEGISLATIVE AGENDA NA PASADO NA SA IKATLO AT PINAL NA PAGBASA, TULAD NG COMPREHENSIVE TAX REFORM PROGRAM (HB 5636); UTILIZATION OF THE COCONUT LEVY FUND (HB 7545); UNITED NATIONAL (ID) IDENTIFICATION SYSTEM ACT (HB 6621); STRENGTHENING THE BALIK-SCIENTIST PROGRAM (HB 65792); OCCUPATIONAL SAFETY AND HEALTH STANDARDS COMPLIANCE ACT (HB ​64); ENHANCED UNIVERSAL HEALTH CARE ACT (HB 5784); AT AMENDMENTS TO THE PUBLIC SERVICE ACT.

SA KASALUKUYAN UMANO AY MAY 21 PANG PRIORITY BILLS NA NAPAGKASUNDUAN SA PERIODIC HOUSE-SENATE LEADERSHIP MEET NOONG OCTOBER 4, 2017, 6 RITO AY TARGET NA MAIPASA NGAYONG BAGO MAGPASKO.

 

Page 1 of 1399

Broadcast Streaming

Top