JoomlaLock.com All4Share.net

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

PAGDEDEBATEHAN NG SENADO ANG PROBISYONG NAKASAAD SA REPORT NG ELECTORAL REFORMS AND FINANCE COMMITTEE NA NAGPAPAHINTULOT KAY PANGULONG RODRIGO DUTERTE NA MAGTALAGA O MAG-APPOINT NG OFFICERS-IN-CHARGE SA BARANGAY KUNG TULUYAN NANG MA-POSTPONE ANG OCTOBER ELECTIONS.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI SEN. BAM AQUINO NA SA REPORT NA AKDA NINA SEN. RICHARD GORDON AT SEN. TITO SOTTO KUNG SAAN NAKASAAD ANG NATURANG PROBISYON AY TIYAK ANIYA NA PAGDEDEBATEHAN NG MGA SENADOR.

PALIWANAG NI AQUINO, MAGING SIYA AY HINDI PAPAYAG NA BY APPOINTMENT ANG PANSAMANTALANG UUPO BILANG BARANGAY OFFICIALS DAHIL PANGUNAHING ASPETO NG DEMOKRASYA NA ANG TAUMBAYAN ANG PUMIPILI NG MGA OPISYAL SA LOKAL NA PAMAHALAAN.

“HINDI HO TAYO PAPAYAG DIYAN NA BY APPOINTMENT ANG ATING BARANGAY CAPTAIN, BARANGAY OFFICIALS. SABI NGA HO NAMIN, YUNG PINAKABUOD NG ATING DEMOKRASYA, YUNG TAUMBAYAN YUNG PUMIPILI NG KANYANG PINUNO, HINDI ANG MALACAÑANG”, ANI BAM AQUINO.

BAGAMAT AMINADO NAMAN ANG SENADOR NA MAY MGA OPISYAL TALAGA NG BARANGAY NA SANGKOT SA ILIGAL NA DROGA KAYA MAS PABOR ANG GOBYERNO NA MAGTALAGA NG OICS AY MAS MAINAM NA KASUHAN NA LAMANG ANG MGA ITO SANG-AYON SA PROSESO NG BATAS.

“ KUNG TALAGANG TOTOO NA NAPAKARAMI PONG BARANGAY CAPTAIN NA INVOLVED SA ILIGAL NA DROGA  AY KAILANGAN PO SILANG MAKASUHAN, KAILANGAN PO SILANG MAKULONG AT MAY PROSESO PO TAYO DIYAN. MAY PROSESO PO NG SUSPENSION, MAY PROSESO NA PWEDENG PAGDAANAN AT SIGURO PO NA KAILANGANG PAGDAANAN”, ANI BAM AQUINO.

Published in National

BY: FELIX TAMBONGCO

MULING MAGKAKAROON NG PAGKAKATAON NA MATALAKAY NG MGA MAMBABATAS NA KABILANG SA ASSOCIATION OF SOUTH EAST ASEAN NATION ANG PROBLEMA SA TERORISMO AT ILIGAL NA DROGA SA GAGANAPING 38TH ASEAN INTER-PARLIAMENTARY ASSEMBLY (AIPA) SA SEPTEMBER 14 HANGGANG 20, 2017 SA LUNGSOD NG MAKATI.

ITO ANG IKA-TATLO AT CULMINATING EVENT NG AIPA NA ANG NAGHO-HOST AY ANG KONGRESO NG PILIPINAS SA PANGUNGUNA NI AIPA PRESIDENT SPEAKER PANTALEON ALVAREZ.

ANG PHILIPPINE CONGRESS DIN ANG NAG-HOST NG AIPA INTERFACE NOONG NAKARAANG ABRIL AT NG AIPA FACT-FINDING COMMITTEE (AIFOCOM) NOONG JULY NA NAGLALAYONG LABANAN ANG PROBLEMA NG DROGA SA ASEAN REGION.

AYON KAY DEPUTY SPEAKER AT ISA SA KASAPI NG EXECOM NG TASKFORCE AIPA RANEO ABU, MAAARING MATALAKAY SA AIPA GENERAL ASSEMBLY ANG SMUGGLING NG DROGA MULA SA TSINA DAHIL SA OBSERBASYON NA KARAMIHAN SA ILIGAL NA DROGA SA BANSA AY NAGMULA SA TSINA TULAD NG P6.4 BILYONG SHABU SHIPMENT.

ANG PAGTALAKAY UMANO NITO AY MAAARING HUMANTONG SA PAGTUTULUNGAN NG PILIPINAS AT TSINA PARA MA-CONTROL ANG DRUG SMUGGLING AT TRAFFICKING.

AYON PA KAY ABU, MAHALAGA AMANO ANG INFORMATION SHARING SA PAGLABAN SA ILLEGAL DRUGS SA ASEAN REGION, KATUNAYAN MAY MGA BANSA NA LUMAGDA NA NG BILATERAL AGREEMENT TULAD NG BORDER SECURITY AGREEMENT SA PAGITAN NG MYANMAR AT THAILAND.

KASAMA RIN SA TATALAKAYIN AY ANG PATULOY NA BANTA NG TERORISMO SA REHIYON.

SAMANTALA, INAASAHANG DADALO SA 38TH AIPA GENERAL ASSEMBLY AY ANG MGA MAMBABATAS MULA SA BANSANG BRUNEI DARUSSALAM, CAMBODIA, INDONESIA, LAOS PEOPLES DEMOCRATIC REPUBLIC, MALAYSIA, MYANMAR, PILIPINAS, THAILAND, SINGAPORE AT VIETNAM.

Published in World

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

AMINADO ANG BUREAU OF CORRECTIONS (BUCOR) NA MAY MGA SPECIAL ACTION FORCE (SAF) COMMANDOS NA NASASANGKOT SA ILLEGAL DRUG TRADE SA LOOB MISMO NG NEW BILIBID PRISON (NBP).

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI BUCOR DIRECTOR GENERAL ATTY. BENJAMIN DELOS SANTOS NA SA NGAYON AY NASA WALONG (8) SAF COMMANDOS ANG KANILA NANG INIIMBESTIGAHAN DAHIL SA PAGKAKASANGKOT SA BENTAHAN NG ILIGAL NA DROGA SA LOOB NG NBP.

PALIWANAG PA NI DELOS SANTOS, MAY IBA PANG MGA ULAT AT IMPORMASYON NA KANILA PANG BINEBERIPIKA KAYA POSIBLENG MADAGDAGAN PA ANG MGA SAF COMMANDOS NA NAKA-ASSIGN SA NBP NA SANGKOT SA ILLEGAL DRUG TRADE.

MATATANDAANG SINABI JUSTICE SECRETARY VITALIANO AGUIRRE NA NAKATANGGAP SIYA NG ULAT NA SANGKOT ANG ILANG MIYEMBRO NG SAF SA MULING PAGBABALIK NG ILLEGAL DRUG TRADE SA LOOB NG BILIBID.  

Published in National

By: Gina Mape

TINULIGSA ni Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle ang bentahan ng iligal na droga na tinawag niyang bringer of death o sundo ni kamatayan.

Ayon sa Cardinal Tagle, ang paggamit at pagbebenta ng bawal na droga ay unti-unting pumapatay sa mga tao.

Kaya hinihikayat ng Cardinal ang mga komunidad na tumulong sa pagsawata sa illegal drugs.

Ang pahayag ay ginawa ng Arsobispo sa paglulunsad ng "Sanlakbay sa Pagbabago ng Buhay," isang programa ng Simbahang Katoliko na tumutulong sa mga drug surrenderee o mga drug dependent na kusang nagdesisyon na sumailalim sa rehabilitasyon.

Pinaliwanag pa ni Cardinal Tagle na mali na talikuran at itakwil ang mga drug dependent.

Hindi aniya dapat minamaliit ang kakayahan ng isang tao na magbago at ang himala na maaaring gawin ng Panginoon.

Aniya, kahit ang taong may pinakamabigat na kasalanan ay maari pa ring magbago at mapatawad ng Diyos.

Published in National

By: Gina Mape

ARESTADO ang isang AWOL na pulis na aminadong kumukuha ng bawal na droga sa isang pusher sa Tondo, Maynila.

Ayon kay Chief Inspector Wilfredo Sy, ang team leader ng Manila CIDG, kinilala ang pulis na si PO1 Ernesto Borleo.

Sinabi ni Sy na isisilbi nila ang warrant of arrest na inisyu ng Manila RTC Branch 23 laban sa #10 most wanted at supplier ng shabu sa Tondo na si Alfred Basilisa.

Ngunit nakatakas umano ang target na hinala niya ay nakatunog na siya ay dadakpin.

Sinabi pa ni Sy na nagkataong lamang na naabutan nila sa lugar si PO1 Borleo at nang kanilang tanungin ay natuklasan na AWOL sa serbisyo mula noong 2016.

Sa interogasyon, sinabi ni Sy na umamin si PO1 Borleo na kumukuha siya ng shabu kay Basilisa.

Nakumpiska sa pag-iingat ni PO1 Borleo ang isang sachet ng shabu at tooter.

Naiwan naman nang nakatakas na si Basilisa ang 15 sachet ng shabu na may timbang na 75 grams, mga bala ng M16, 9MM at mga baril na Carbine at Ingram.

Published in Metro
Page 1 of 43

Broadcast Streaming

Top