JoomlaLock.com All4Share.net

BY: FELIX TAMBONGCO

MULING MAGKAKAROON NG PAGKAKATAON NA MATALAKAY NG MGA MAMBABATAS NA KABILANG SA ASSOCIATION OF SOUTH EAST ASEAN NATION ANG PROBLEMA SA TERORISMO AT ILIGAL NA DROGA SA GAGANAPING 38TH ASEAN INTER-PARLIAMENTARY ASSEMBLY (AIPA) SA SEPTEMBER 14 HANGGANG 20, 2017 SA LUNGSOD NG MAKATI.

ITO ANG IKA-TATLO AT CULMINATING EVENT NG AIPA NA ANG NAGHO-HOST AY ANG KONGRESO NG PILIPINAS SA PANGUNGUNA NI AIPA PRESIDENT SPEAKER PANTALEON ALVAREZ.

ANG PHILIPPINE CONGRESS DIN ANG NAG-HOST NG AIPA INTERFACE NOONG NAKARAANG ABRIL AT NG AIPA FACT-FINDING COMMITTEE (AIFOCOM) NOONG JULY NA NAGLALAYONG LABANAN ANG PROBLEMA NG DROGA SA ASEAN REGION.

AYON KAY DEPUTY SPEAKER AT ISA SA KASAPI NG EXECOM NG TASKFORCE AIPA RANEO ABU, MAAARING MATALAKAY SA AIPA GENERAL ASSEMBLY ANG SMUGGLING NG DROGA MULA SA TSINA DAHIL SA OBSERBASYON NA KARAMIHAN SA ILIGAL NA DROGA SA BANSA AY NAGMULA SA TSINA TULAD NG P6.4 BILYONG SHABU SHIPMENT.

ANG PAGTALAKAY UMANO NITO AY MAAARING HUMANTONG SA PAGTUTULUNGAN NG PILIPINAS AT TSINA PARA MA-CONTROL ANG DRUG SMUGGLING AT TRAFFICKING.

AYON PA KAY ABU, MAHALAGA AMANO ANG INFORMATION SHARING SA PAGLABAN SA ILLEGAL DRUGS SA ASEAN REGION, KATUNAYAN MAY MGA BANSA NA LUMAGDA NA NG BILATERAL AGREEMENT TULAD NG BORDER SECURITY AGREEMENT SA PAGITAN NG MYANMAR AT THAILAND.

KASAMA RIN SA TATALAKAYIN AY ANG PATULOY NA BANTA NG TERORISMO SA REHIYON.

SAMANTALA, INAASAHANG DADALO SA 38TH AIPA GENERAL ASSEMBLY AY ANG MGA MAMBABATAS MULA SA BANSANG BRUNEI DARUSSALAM, CAMBODIA, INDONESIA, LAOS PEOPLES DEMOCRATIC REPUBLIC, MALAYSIA, MYANMAR, PILIPINAS, THAILAND, SINGAPORE AT VIETNAM.

Published in World
Mistulang dinepensahan ni Sen. Antonio Trillanes si Sen. Leila de Lima sa pagtatanong nito kay Kerwin Espinosa.
 
Kinuwestyon kasi ni Trillanes ang purpose ng pagbibigay ni Kerwin ng protection money kay De Lima, dahil lumalabas daw na sa panahong iyon ay nagbitiw na sa Department of Justice ang senadora.
 
Ayon kay Trillanes, malabong maprotektahan ng isang walang trabaho sa gobyerno ang isang drug lord para sa anumang paraan.
 
Samantala, pinuna rin ni Trillanes ang pag-uugnay ni Espinosa kay C/Insp. Jovie Espenido dahil sa dati nilang naging alitan.
 
Aniya, pinipili lamang ni Kerwin ang mga nilalaglag nito o ang idinadawit sa isyu ng iligal na droga.
Published in National

By Jojo Sicat

 

Ibinulgar ni Philippine National Police (PNP) Chief P/ Director General Ronald Bato Dela Rosa na mas maraming mga opisyal ng pulis at miyembro ng PNP ang nadadawit ngayon sa illegal na operasyon ng ipinagbabawal na droga.

Ito ang sinabi ni Dela Rosa matapos na sumuko kaninang umaga ang umanoy source ng illegal drugs ni Eastern Visayas Drug Lord Kerwin Espinosa nasi Lovely Adam Impal.

Sa pagdinig sa senado inamin ni Dela Rosa kay Senador Bam Aquino na madadagdagan na naman ang listahan ang mga pulis na sangkot sa illegal drugs trade sa bansa.

Aniya ikinanta ni Adam Impal kung sino sino ang mga nasa likod ng transaksyon ng droga sa bansa at maging ang ilang opisyal ng PNP na sangkot dito.

Magugunita na inamin ni Espinosa sa nakaraang pagdinig na nanggagaling ang kanyang source ng shabu sa napaslang nasi Jeffry Diaz aka Jaguar, Peter Co , Peter Lim at Lovely Adam Impal.

Published in National
Thursday, 24 November 2016 09:38

DAYAN SUSI SA KATOTOHANAN- PACQUIAO

Naniniwala si Senador Manny Pacquiao na si Ronnie Dayan ang susi ng katotohanan matapos ang paglantad ni Eastern Visayas drug lord Kerwin Espinosa sa pagdinig sa senado ukol sa pagkakapaslang kay Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa sa mismo loob ng piitan ng Baybay Leyte ng miyembro ng CIDG region 8 habang inihahain ang search warrant.

Sa ambush interview sa labas ng plenaryo sa senado habang isinasagawa ang pagdinig sinabi ni Pacquiao na naniniwala ito sa mga naging testimonya ni Kerwin na nakipagkita ito kay Sen. Leila de Lima kasama si Dayan ang driver bodyguard at lover ng senadora sa Bagiou City kung saan nag-abot ito ng pera.

Iginiit pa ni Pacquiao ang pagbanggit ni Dayan kay De Lima na " Mam ito si Batman" na ang tinutukoy ay si Kerwin at litrato nila ng senadora.

Subalit ng tanungin na baka posibleng ginagamit lamang ito ni Dayan dahil walang napag-usapan si De Lima at Kerwin ukol sa drug operation doon sinabi ni Pacquiao na dapat abangan ang mga testimonya ni Dayan sa pagharap nito bukas sa pagdinig sa kongreso.

Aniya tanging ang testimonya ni Dayan ang magpapatunay at magtutugma sa testimonya ni Kerwin kung sino sino ang mga sangkot sa illegal drugs operation ni Espinosa o maaring gawa gawa lamang ito.

Published in National

Sinampahan na ng reklamo ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) si Senator Leila De Lima kaugnay sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP).

Si De Lima na dating kalihim ng Department of Justice ay sinampahan ng samu't saring mga kaso dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs, Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act 3019), Presidential Decree (PD) 46 Punishing the Receiving and Giving of Gifts of Public Officials and Employees, at Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (Republic Act 6173). 

Kabilang din sa mga kinasuhn ay sina dating Justice Undersecretary Francisco Baraan III, dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Franklin Jesus Bucayu, dating BuCor OIC Rafael Ragos, dating security aide ni De Lima na si Joenel Sanchez, dating driver at bodyguard ng senadora na si Ronnie Dayan, NBI agent Jovencio Ablen Jr., dating staff ni Bucayu na si Wilfredo Ely, personal assistant ni De Lima na si Lyn Sagum, indibidwal na nagngangalang Julius Rejuso at isa pang alias George.

Ayon sa NBI ginawang batayan sa reklamo ang mga testimonya ng mga witnesses sa NBP probe na inilunsad ng mababang kapulungan ng Kongreso.

Matatandaang karamihan sa mga high-profile inmates na tumestigo sa ginawang imbestigasyon ng Kamara ay nagtuturo kay De Lima bilang protektor ng illegal drugs operation sa bilangguan.

Published in National
Page 1 of 2

Broadcast Streaming

Top