JoomlaLock.com All4Share.net

BY: 8TRIMEDIA NEWS TEAM

BINUKSAN NA KAHAPON ANG 10.10 KILOMETRONG BAHAGI NG  TARLAC-PANGASINAN-LA UNION TOLL EXPRESSWAY O TPLEX SA PANGASINAN KAHAPON.

ITO AY KASUNOD NG PAGPAPALABAS NG TOLL REGULATORY BOARD (TRB) NG TOLL OPERATION PARA SA PHILIPPINE INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT CORP. (PIDC) PARA SA SEGMENT SA PAGITAN NG BINALONAN HANGGANG POZORRUBIO, PANGASINAN.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI TRANSPORTATION ANALYST  BERT SUANSING  NA MALAKING GINHAWA ITO PARA SA MGA MOTORISTA DAHIL MULA ANG BIYAHE MULA SA BALINTAWAK SA QUEZON CITY HANGGANG BAGUIO AY AABOT NA LAMANG SA APAT AT KALAHATING ORAS MULA SA ANIM NA ORAS.

SA NGAYON, AYON KAY SUANSING AY LIBRE MUNA ANG TOLL FEE SA LOOB NG TATLONG LINGGO NGUNIT AABOT SA TATLUMPU'T LIMANG PISO (P35) ANG BAYAD PARA SA PAGDAAN DITO.

INAASAHAN NAMAN NA ANG HULING 10.92 KILOMETRONG BAHAGI NG TPLEX POZORRUBIO, PANGASINAN HANGGANG ROSARIO, LA UNION AY INAASAHANG MATATAPOS SA HUNYO NG TAON 2019.

Published in National

By: 8 TriMedia News Team

PAG-AARALAN pa ng Toll Regulatory Board o TRB ang hirit na dagdag-singil ng North Luzon Expressway o NLEX.

Sa panayam sa DZRJ, sinabi ni TRB Spokesman Bert Suansing na susuriin pa nila ang petisyon ng NLEX hinggil sa hiling mabawi ang 2.9 bilyong piso na gastos sa pagpapagawa ng lagpas 50 kilometrong bagong lane mula Santa Rita hanggang San Fernando pabalik dagdag pa ang 8 kilometrong bagong lane mula Balem hanggang Mabalacat, Pampanga.

Ayon pa kay Suansing, titingnan din ng kanilang ahensya kung tama ang computation ng gastos ng petitioner sa mga bagong lanes ng NLEX.

Inaasahan din aniya nila na magsusumite ang mga transport groups at iba pang parties ng kanilang reaksyon o kanilang sariling bersyon hinggil sa hiling na dagdag-singil sa NLEX.

Dagdag pa ni Suansing, magsasagawa sila ng public consultation sa loob ng susunod na 90 araw upang mabigyan ng pagkakataon ang publiko na marinig ang kanilang panig sa isyung ito.

Published in National

By: Melchor Balawas

5.pinayuhan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang mga motorista na maghanda lang ng eksaktong bayad o maliit na halaga sa mga dadaanang toll gates.

Sa pahayag sa DZRJ, sinabi ni Bert Suansing, Spokesman ng TRB na inaasahan nila na ngayong Semana santa ay magdudulot ng mahabang pila sa mga toll plaza’s kaya’t mahalaga na maliit na halaga ang ihanda ng mga motorista.

Sa ganitong paraan, mapapabilis ang pagbabayad sa mga toll gates.

Gayunpaman, sinabi ni Suansing na nagdagdag na sila ng ambulant teller stations sa mga toll plaza upang mas mapabilis ang transaksion.

Sa kabilang dako, sinabi ni Suansing na walang katotohanan ang mga lumalabas na balita na may nakaambang pagtataas sa singil sa toll roads.

Published in National

Broadcast Streaming

Top