JoomlaLock.com All4Share.net

BY: FELIX TAMBONGCO

DEAD ON ARRIVAL SA PAGAMUTAN ANG DALAWANG MENOR DE EDAD HABANG SUGATAN NAMAN ANG INA NG MGA ITO MATAPOS NA MATABUNAN NG LUPA ANG KANILANG TINITIRHANG BAHAY SA SITIO HAPAY SA MANGGA BARANGAY DOLORES, TAYTAY RIZAL.

ANG MGA BIKTIMA AY KINILALANG SINA JUSTINE PONDAL,  14 TAONG GULANG AT JUDE PONDAL, 17 TAONG GULANG HABANG ANG KANILANG INA NA SI JUDITH PONDAL AY NAGTAMO NG BALI SA KALIWANG KAMAY.

SA INISYAL NA ULAT NG TAYTAY RESCUE TEAM, DAHIL SA MALAKAS NA PAG-ULAN, LUMAMBOT ANG LUPA SA NATURANG LUGAR AT SA PAGITAN NG ALAS 4:30 HANGGANG ALAS 5:00 KANINANG MADALING ARAW, NAGKAROON ITO NG PAGGUHO.

AYON KAY RIZAL PROVINCIAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE (PDRRMO) CHIEF DONG MALONZO, AGAD NA NAGRESPONDE ANG TAYTAY RESCUE TEAM SA LUGAR UPANG MAGSAGAWA NG RESCUE OPERATION.

AGAD NAMANG NA-RECOVER ANG MGA BIKTIMA AT ISINUGOD SA TAYTAY EMERGENCY HOSPITAL SUBALIT BIGO NG MAILIGTAS PA SINA JUSTINE AT JUDE, NILAPATAN NAMAN NG LUNAS ANG INA NG MGA ITO NA SI JUDITH.

NAPAG-ALAMAN NA ANG NATURANG LUGAR AY NASA BAHAGI NG LANDSLIDE PRONE AREA, BATAY NA RIN SA PINAKAHULING GEOLOGICAL ASSESSMENT NG MINES AND GEOSCIENCES BUREAU (MGB). 

Published in Provincial

BY: FELIX TAMBONGCO

PATAY ANG ISANG ASSISTANT PROSECUTOR MATAPOS NA PAGBABARILIN NG MOTORCYCLE RIDING IN TANDEM SA BARANGAY DOLORES TAYTAY RIZAL.

ANG BIKTIMA AY KINILALANG SI MARIA S. RONATAY, NASA HUSTONG GULANG AT KASALUKUYANG ASSISTANT PROSECUTOR SA LALAWIGAN NG RIZAL.

ANG MGA SUSPEK AY DALAWANG HINDI PA NAKIKILALANG LALAKI NA SAKAY NG ISANG ITIM NA MIO MOTORCYCLE.

SA INISYAL NA IMBESTIGASYON NG TAYTAY RIZAL PHILIPPINE NATIONAL POLICE, DAKONG ALAS 5:00 KAHAPON, BINABAGTAS NG BIKTIMA SAKAY NG KANYANG CR- V NA MAY PLATE NUMBER UQI 133 ANG ORTIGAS AVENUE EXTENSION GALING SA KAYTIKLING CIRCUMFERENTIAL ROAD PATUNGO SA BAHAGI NG CAINTA.

PAGDATING SA WALTER MART BARANGAY SAN ISIDRO, TAYTAY RIZAL, TUMATAKBO NG MABAGAL ANG SASAKYAN NG BIKTIMANG SI RONATAY DAHIL SA TRAPIK SA NATURANG LUGAR NG BIGLANG SUMINGIT ANG ISANG MOTORSIKLO SAKAY ANG DALAWANG SUSPEK AT BIGLA NA LAMANG ITONG PINAGBABARIL NA AGAD NITONG IKINAMATAY.

MABILIS NAMANG NAG U-TURN ANG MGA SUSPEK NA SAKAY NG.MOTORSIKLO AT MABILIS NA TUMAKAS PABALIK SA BAHAGI NG KAYTIKLING.

SA KASALUKUYAN AY PATULOY PA RIN ANG ISINASAGAWANG IMBESTIGASYON NG MGA AWTORIDAD, HINGGIL SA TUNAY NA MOTIBO AT KUNG SINO ANG NASA LIKURAN NG NATURANG PAMAMASLANG.

HINDI RIN INIAALIS NG MGA AWTORIDAD NA MAY KINALAMAN SA TRABAHO ANG PAGPASLANG SA BIKTIMA.

Published in Provincial

BY: JOJO SICAT

NANANAWAGAN SI SENADORA GRACE POE, ANG CHAIR NG SENATE COMMITTEE ON PUBLIC SERVICES SA MAY ARI NG TRUCKING SERVICE NA NAKADISGRASYA, NAPAINSALA AT NAKAPATAY NG BIKTIMA SA TAYTAY TRUCK ACCIDENT NITONG NAKARAANG LINGGO.

AYON KAY POE DAPAT NA HARAPIN NG MAY ARI NG TRUCK ANG RESPONSABILIDAD AT TULUNGAN ANG MGA NAGING BIKTIMA SA PANAHONG ITO NG KANILANG PANGANGAILANGAN.

HINDI MAIWASAN NA ILABAS ANG GALIT NG SENADORA SA PAG-ARARO NG TRUCK SA ISANG HANAY NG MGA TINDAHAN AT TRICYCLE SA TAYTAY NA IKINAMATAY NG HINDI BABABA SA LIMANG (5) KATAO, KABILANG NA ANG ISANG WALANG MUWANG NA BATA.

ANIYA NI POE, HINDI ITO BASTA ISANG AKSIDENTE LAMANG KUNG HINDI KAPABAYAAN SA PAGMIMINTINA NG SASAKYAN.

NANINIWALA ANG SENADORA NA KAILANGAN NG ISANG MAHIGPIT NA PAGPAPATUPAD NG REGULASYONG PANGKALIGTASAN AT SA PAGBIBIGAY NG LISENSYANG PROPESYUNAL SA MGA NAGMAMANEHO NG MALALAKI AT PAMPUBLIKONG SASAKYAN.

ANIYA NI POE, HINDI MAAARING IPAUBAYA NA LAMANG ANG MANIBELA NG TRUCK SA ISANG WALANG SAPAT NA KASANAYAN DAHIL NAKITA NG MAMBABATAS SA NAGANAP NA AKSIDENTE SA TAYTAY, ANG LAKI NG PINSALANG MAIDUDULOT KAPAG MAY NAGKAMALI O NAGPABAYA ANG DRIVER.

Published in National

Patay ang isang babae nang araruhin ng isang rumagasang 10 wheeler truck sa isang palengke sa Taytay Rizal, ayon sa truck driver na si Tomas Villagracia papunta sila sa Angono Rizal ng biglang mawalan ng preno ang truck na puno ng buhangin.

Sinagasa ng truck ang mga nadaanan nitong mga paninda, 5 kotse, 13 nakaparadang tricycle at 2 bisikleta, nag resulta naman ang insidente sa pagkamatay ng hindi pa nakilalang babae, nasaktan naman at nasugatan ang may 25 iba pa.

Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting to homicide, multiple physical injuries at damage to properties ang driver ng truck na si Villagracia.

Published in Metro

Broadcast Streaming

Top