JoomlaLock.com All4Share.net

BY: 8TRIMEDIA NEWS TEAM

NAKIKIPAG-UGNAYAN NA ANG MGA GOBYERNO NG PILIPINAS AT JAPAN PARA SA ISANG DEVELOPMENT ASSISTANCE SA METRO RAIL TRANSIT LINE 3 (MRT-3).

SA DZRJ INSIDER EXCLUSIVE KAPIHAN KANINANG UMAGA, SINABI NI DEPARTMENT OF TRANSPORTATION (DOTR) ASSITANT SECRETARY TJ BATAN NA NAGPAHAYAG NG COMMITMENT ANG PAMAHALAAN NG JAPAN PARA SA ISANG OFFICIAL DEVELOPMENT ASSISTANCE SA PAMAMAGITAN NG JAPAN INTERNATIONAL COOPERATION AGENCY PHILIPPINES (JICA) PARA SA REHABILITASYON AT PAGMAMANTINE NG MRT-3.

AYON PA KAY BATAN, DAHIL SA DADAAN ANG NATURANG AYUDA SA JICA AY KAILANGAN ANG KUMPANYANG MAGMAMANTINE NG NATURANG TREN AY SUSUNOD SA MGA PATAKARAN NITO.

SA NGAYON PATULOY PA ANIYA ANG PAKIKIPAG-UGNAYAN NG GOBYERNO SA SUMITOMO PARA SA PAGMAMANTINE NG MRT-3 UPANG MATIYAK NA MAKASUSUNOD ITO SA MGA PATAKARAN NG JICA.

TINIYAK NAMAN NI BATAN NA TINUTUTUKAN ITO NI DOTR SECRETARY ARTHUR TUGADE PARA MASIMULAN NA ITO SA LALONG MADALING PANAHON.

 

Published in National

Broadcast Streaming

Top