JoomlaLock.com All4Share.net

BY: ROMMEL MADRIGAL

DUMAYO PA SA LAGUNA ANG APAT (4) NA SHOPLIFTER MULA SA MALABON NA NAARESTO NG MGA SECURITY GUARD NG ISANG KILALANG MALL SA STA. ROSA CITY.

KINILALA NG IMBESTIGADOR NA SI SPO1 RAMONITO P. ALCALA ANG MGA NAARESTONG SUSPEK NA SINA JULIAN TAN OKBINA, 18 ANYOS, KIMBERLY KAHIGAS TUBERA, 18 ANYOS, JAYSON SANTOS FERRER, 29 ANYOS, JOEL LUCAS MENDOZA, 26 ANYOS NA PAWANG MGA ESTUDYANTE AT RESIDENTE NG BLK. 4 BRGY. TONSUYA, MALABON CITY.

BATAY SA ULAT NA IPINADALA NG LAGUNA PROVINCIAL POLICE OFFICE MULA SA TANGGAPAN NI OIC PSUPT. HAROLD DEPOSITAR, DAKONG IKA 2:30 NG HAPON NANG MAGANAP ANG NATURANG PANGUNGULIMBAT NG APAT NA SUSPEK NA NATUNUGAN NGA NG MGA SEKYU NG  METRO MANILA SHOPPING MECCA CORP. SA BRGY. TAGAPO NG NATURANG LUNSOD.

NABATID NA TINANGKANG ILABAS NG MGA SUSPEK ANG KANILANG NAKUHANG GAMIT NA HINDI BINAYARAN SA COUNTER. NANG LALABAS NA ANG MGA SUSPEK AY AGAD SILANG KINOMPRONTA NG MGA GUARD AT HINAHANAPAN NG RESIBO ANG KANILANG MGA DALANG PRODUKTO. NABIGO NGANG IPAKITA NG MGA SUSPEK ANG RESIBO KAYA’T SILA’Y INARESTO NG MGA SEKYU.

NAKUHA SA PAG-IINGAT NG APAT ANG IBA’T IBANG PRODUKTO NG LARUANG SASAKYAN NA KANILANG KINUHA AT SINUBUKANG ILABAS NA UMABOT SA HALAGANG P4,548. 

DAHIL DITO, ANG MGA DAYONG SHOPLIFTER AY DINALA SA TANGGGAPAN NG STA. ROSA POLICE STATION AT SINAMPAHAN NG KASONG THIEF NA ISINAGAWA NI SPO1 ALCALA, MAY HAWAK NG KASO.

Published in Metro

BY: ROMMEL MADRIGAL

MUNTIK NG NABINGIT SA KAMATAYAN ANG ISANG TSUPER MATAPOS BARILIN NG NAKASAGUTAN NIYANG KAKILALA SA STA ROSA CITY.

KINILALA ANG BIKTIMANG SI WILSON LEYTE, TATLUMPUT ANIM (36) NA TAON, ISANG TSUPER NG B1 L37, RELOCATION 3 BRGY. PULONG STA. CRUZ, STA. ROSA CITY AT ANG SUSPEK NA SI RICKY CABALLERRA, APATNAPUT LIMANG (45) TAON, NATIVE NG ABUYOG SORSOGON AT KASALUKUYANG NANINIRAHAN SA BLK. 1, LOT 48, RELOCATION 3 NG NATURA DING LUGAR.

BATAY SA ISINAGAWANG IMBESTIGASYON NI SPO1 LORICA AT ALCALA, MAY HAWAK NG KASO, HABANG ANG BIKTIMA UMANO AY KUMAKAIN NG TANGHALIAN SA KANILANG TAHANAN KASAMA ANG PAMILYA.

DUMATING UMANO ANG SUSPEK AT KINOMPRONTA ANG BIKTIMA, NAGKAROON NG MAINITANG PAGTATALO, DOON NA BINUNOT NG SUSPEK ANG BARIL SA KANÝANG BEWANG AT BINARIL SI LEYTE. NAKAIWAS ANG BIKTIMA KAYA’T DAPLIS LANG ITO AT NAKAPAGTAGO.

NARINIG NAMAN NG MGA NAKATALAGANG PULIS NA MALAPIT SA LUGAR ANG PUTOK KAYA’T RUMESPONDE ANG MGA ITO NA NAGING DAHILAN SA PAGKAARESTO NG SUSPEK.

NAKUHA KAY CABALLERRA ANG GINAMIT NIYANG CAL. 38 BARIL NA MAY LAMAN PANG APAT (4) NA BALA, KAYA’T KAKASUHAN SIYA NG ATTEMPTED HOMESIDE AT REPUBLIC ACT 10591 ILIGAL POSSESION OF FIREARMS.

Published in Metro
Monday, 19 June 2017 08:09

DRUG QUEEN, ARESTADO SA STA. ROSA

BY: ROMMEL MADRIGAL

PASOK SA BITAG NG STA. ROSA PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) ANG ISANG ITINUTURING NA DRUG QUEEN MATAPOS MAARESTO NG OPERATIBA SA BRGY.TAGAPO, LUNGSOD NG STA ROSA.

KINILALA ANG NAARESTONG SUSPEK NA SI ROWENA SAJOTA  ALYAS WENG, 31-ANYOS NG 337 WALING-WALING ST., AMIHAN SUBD., BRGY.TAGAPO,  STA. ROSA CITY, LALAWIGAN NG LAGUNA.

BASE SA ULAT NA NATANGGAP NI LAGUNA POLICE PROVINCIAL DIRECTOR, PSSUPT CECILIO ISON JR. NG LAGUNA PPO, MULA KAY STA. ROSA OIC COP PSUPT JOEL S. ESTARIS, DAKONG 2:45 NG HAPON NANG MAARESTO ANG SUSPEK SA NATURANG LUGAR.

ANG NASABING SUSPEK UMANO ANG SIYANG NAGPAPAKALAT NG ILIGAL NA DROGA, BATAY SA SMS NA NAKARATING SA LAGUNA PPO NA NATANGGAP SA “IBATO MO, TXT MO! SA PULIS LAGUNA”.

NAARESTO ANG SUSPEK NANG ISAGAWA ANG BUY BUST OPERATION, MATAPOS MAGBENTA NG ISANG (1) TRANSPARENT PLASTIC SACHET NA NAGLALAMAN NG PINAGHIHINALAANG SHABU SA ISANG PNP PERSONNEL NA NAGKUNWARING POSEUR BUYER.

NAKUMPISKA SA SUSPEK ANG EBIDENSYA NA PINAGHIHINALAANG ILIGAL NA DROGA NA TINATAYANG MAY BIGAT NA 0.08 GRAMO AT PHP 500.00. BUY BUST MONEY.

KAYA’T NAKATAKDANG SAMPAHAN NG KASONG PAGLABAG SA REPUBLIC ACT 9165 ANG NAARESTONG SUSPEK.

Published in Metro

By: Rommel Madrigal

HINDI NA NAKABALIK ang driver ng truck ng isang hardware matapos mag-deliver ng materyales at makasingil ng halagang tatlumpung libong piso (P30,000) sa isang customer sa Balibago Complex Santa Rosa City.

Kinilala ang driver na si Renato Sarmiento, 39 taong gulang, may-asawa, driver ng Blk. 9, Lot 18, Phase 2, Buena Rosa 9, Brgy. Macabling, Santa Rosa City, Laguna.

Batay sa ulat, lumapit sa tanggapan ng Santa Rosa Philippine National Police (PNP) ang biktimang si Danilo Adato, 62 taong gulang, negosyante ng 853 F. Reyes St., Brgy. Balibago ng natura ding lungsod.

Ipinabatid niya na ang kanýang driver na si Renato Sarmiento na pinag-deliver nila ng materyales ay hindi na bumalik matapos matanggap ang halagang P30,000 kabayaran nito.

Sa isinagawang imbestigasyon ni SPO1 Ramonito Alcala, nabatid na maging ang dlivery truck na isang ISUZU ay ay hindi na rin napabalik kaya't sinampahan ng kasong carnapping ang driver na si Renato Sarmiento.

Published in Metro

By: Rommel Madrigal

Dalawang akyat bahay ang sumalakay at nakatangay ng malaking halaga ng alahas at perang cash sa Sta Elena Subdivision Bgy. Malitlit sa naturang lungsod.

Kinilala ang biktima na si Dian Glenda Barrion ng Brgy. Malitlit sa lungsod ng Sta Rosa. Hindi naman nakila ang mga suspek na tumakas tangay ang kanilang nakulimbat.

Base sa ulat na ipinadala ng PPO Laguna, dakong 3:50 ng umaga ng hinihinalang sumalakay ang akyat bahay na dumaan sa bukas na bintana ng bath room, tumuloy sa 2nd floor, sa bedroom ng biktima, at itinali ang kamay at binusalan ang bibig bago isinagawa ang pag nanakaw.

Nakuha sa biktima ang kanyang mga alahas, cash na pera, at iba pang mga gamit na personal na umabot sa halagang tinatayang 75 thousand pesos ang natangay ng mga kawatan na dumaan umano sa likurang pinto at tumakas patungo sa Hindi nalamang direction.

Published in Provincial

Broadcast Streaming

Top