JoomlaLock.com All4Share.net

BY: FELIX TAMBONGCO

MULING MAGKAKAROON NG PAGKAKATAON NA MATALAKAY NG MGA MAMBABATAS NA KABILANG SA ASSOCIATION OF SOUTH EAST ASEAN NATION ANG PROBLEMA SA TERORISMO AT ILIGAL NA DROGA SA GAGANAPING 38TH ASEAN INTER-PARLIAMENTARY ASSEMBLY (AIPA) SA SEPTEMBER 14 HANGGANG 20, 2017 SA LUNGSOD NG MAKATI.

ITO ANG IKA-TATLO AT CULMINATING EVENT NG AIPA NA ANG NAGHO-HOST AY ANG KONGRESO NG PILIPINAS SA PANGUNGUNA NI AIPA PRESIDENT SPEAKER PANTALEON ALVAREZ.

ANG PHILIPPINE CONGRESS DIN ANG NAG-HOST NG AIPA INTERFACE NOONG NAKARAANG ABRIL AT NG AIPA FACT-FINDING COMMITTEE (AIFOCOM) NOONG JULY NA NAGLALAYONG LABANAN ANG PROBLEMA NG DROGA SA ASEAN REGION.

AYON KAY DEPUTY SPEAKER AT ISA SA KASAPI NG EXECOM NG TASKFORCE AIPA RANEO ABU, MAAARING MATALAKAY SA AIPA GENERAL ASSEMBLY ANG SMUGGLING NG DROGA MULA SA TSINA DAHIL SA OBSERBASYON NA KARAMIHAN SA ILIGAL NA DROGA SA BANSA AY NAGMULA SA TSINA TULAD NG P6.4 BILYONG SHABU SHIPMENT.

ANG PAGTALAKAY UMANO NITO AY MAAARING HUMANTONG SA PAGTUTULUNGAN NG PILIPINAS AT TSINA PARA MA-CONTROL ANG DRUG SMUGGLING AT TRAFFICKING.

AYON PA KAY ABU, MAHALAGA AMANO ANG INFORMATION SHARING SA PAGLABAN SA ILLEGAL DRUGS SA ASEAN REGION, KATUNAYAN MAY MGA BANSA NA LUMAGDA NA NG BILATERAL AGREEMENT TULAD NG BORDER SECURITY AGREEMENT SA PAGITAN NG MYANMAR AT THAILAND.

KASAMA RIN SA TATALAKAYIN AY ANG PATULOY NA BANTA NG TERORISMO SA REHIYON.

SAMANTALA, INAASAHANG DADALO SA 38TH AIPA GENERAL ASSEMBLY AY ANG MGA MAMBABATAS MULA SA BANSANG BRUNEI DARUSSALAM, CAMBODIA, INDONESIA, LAOS PEOPLES DEMOCRATIC REPUBLIC, MALAYSIA, MYANMAR, PILIPINAS, THAILAND, SINGAPORE AT VIETNAM.

Published in World

Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kinatitirikan ng malaking shabu laboratory na nadiskubre sa Brgy. Lacquis Arayat, Pampanga.  

Ayon kay Pangulong Duterte isa itong modernong shabu lab na kayang gumawa na aabot sa 400 kilo ng shabu kada araw.

Ang lupang kinatitirikan naman ng shabu ay pag-aari raw ng isang nagngangalang Sunday Chua.

Ipinag-utos na ng Pangulo ang pagkumpiska ng ari-arian.

Iminungkahi pa nya, ang pagtatayo ng drug rehabilitation center sa lupang kinatatayuan ng shabu lab.

Kinumpirma rin ng Pangulo na may isang inmate ng New Bilibid Prison na konektado umano sa natuklasang shabu lab.

Inihayag rin ng Pangulo na muli nyang isasapubliko ang mga pangalan ng mga opisyal ng gobyerno na sangkot umano sa iligal na droga pagbalik nya galing sa Vietnam.

Kabilang daw sa listahan ang ilang gobernador, alkalde at mga barangay captain.

Samantala, humingi ng paumanhin si Pangulong Duterte sa ilang opisyal na pinangalanan sa unang drug matrix.

Ayon sa Pangulo, meron daw kakulangan sa pagbeberipika sa drug report pero pina-revalidate na nya ito ng 4 na beses.

Muli namang pinasaringan ni Pangulong Duterte ang mga Human Rights Advocate pati na rin ang Amerika at mga International body.

Ayon sa Pangulo, hindi raw sya pwedeng diktahan ng mga ito kung paano nya patatakbuhin ang kampanya ng gobyerno kontra droga.

Balak naman ng Pangulo na isangguni sa China ang isyu ng drugs dahil doon daw galing ang mga sangkap sa paggawa ng droga.

 

Published in National

Broadcast Streaming

Top