JoomlaLock.com All4Share.net

BY: JOJO SICAT

INIREKOMENDA NG SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE ANG PAGSASAMPA NG MGA KASONG KRIMINAL LABAN KAY DATING CUSTOMS COMMISSIONER NICANOR FAELDON AT LIMANG IBA PA KAUGNAY NG NANGYARING SMUGGLING NG 6.4 BILLION NA HALAGA NG SHABU MULA SA CHINA.

SA DRAFT REPORT NI SENADOR RICHARD GORDON KAUGNAY NG IMBESTIGASYON SA KASO, SINABI NITO NA LUMABAG SI FAELDON AT MGA OPISYAL NG CUSTOMS SA REPUBLIC ACT 10863 O CUSTOMS MODERNIZATION AND TARIFF ACT AT RA 3019 O ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT.

SI FAELDON ANG SINISISI SA PAGBUO NG BOC COMMAND CENTER NA NAGING DAHILAN KAYA MAS NAPADALI ANG PAGPUPUSLIT NG MGA ILLEGAL SHIPMENT.

NAUNA NANG INAMIN NI DATING DEPUTY COMM. GERARDO GAMBALA SA IMBESTIGASYON NG SENADO NA DAHIL SA COMCEN, NA BYPASS ANG PAGSUSURI NG MGA DISTRICT COLLECTORS AT FIELD OFFICERS DAHILAN KAYA NAABUSO ANG GREEN LANE FACILITY.

BUKOD KAY FAELDON, KASAMA SA MGA INIREREKOMENDANG MAKASUHAN SINA GAMBALA, DATING INTELLIGENCE DIRECTOR NEIL ANTHONY ESTRELLA, DATING CUSTOMS IMPORT ASSESSMENT SERVICE DIRECTOR MILO MAESTRECAMPO AT INTELLIGENCE OFFICER JOEL PINAWIN.

Published in National

BY: JOJO SICAT

WALANG PLANO SI SENADOR PANFILO LACSON NA PUNTAHAN O DALAWIN SI DATING BUREAU OF CUSTOMS (BOC) COMMISSIONER NICANOR FAELDON SA OFFICE OF THE SENATE SERGEANT-AT-ARMS KUNG SAAN SIYA NGAYON NAKADITENE.

AYON KAY LACSON, WALA NANG SILBI PA NA PUNTAHAN NIYA AT KAUSAPIN SI FAELDON KASUNOD NGA NG DESISYON NITO NA SA HUSGADO NA LAMANG HAHARAP UPANG LINISIN ANG KANIYANG PANGALAN HINGGIL SA MGA ALEGASYON NG KORASPYON LABAN SA KANIYA.

GIIT NG SENADOR, HINDI MAGKUKULANG ANG LALAMANIN NG COMMITTEE REPORT NG BLUE RIBBON KAHIT WALA ANG MGA TESTIMONYA NI FAELDON DAHIL MARAMI NAMAN ANIYANG IBA PANG RESOURCE PERSONS NA MAAARING TANUNGIN.

ITO ANIYA AY MAITUTURING PANG DISADVANTAGE SA PANIG NG DATING KOMISYUNER DAHIL PAGKAKATAON NA SANA NIYANG IPALIWANAG ANG KANIYANG PANIG SA ISSUE KUNG HUMARAP ITO SA PAGDINIG.

UNA NANG SINABI NI LACSON NA KANILA NANG INIWASAN ANG "DRAMA" SA PAGDINIG KAHAPON KAYA HINDI NILA PUWERSAHANG PINADALO SI FAELDON SA NATURANG PAGDINIG.

Published in National

BY: JOJO SICAT

SA IKAWALONG PAGDINIG NG SENADO SA KATIWALIAN SA BUREAU OF CUSTOMS (BOC), ITINANGGI NI DATING COL. ALLEN CAPUYAN ANG MGA ALEGASYON LABAN SA KAN’YA NI CUSTOMS FIXER MARK TAGUBA.

SA NATURANG PAGDINIG NG SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE HINGGIL SA SHABU SHIPMENT NA NAKALUSOT SA BOC, BINIGYANG-DIIN NI CAPUYAN NA HINDI S’YA MIYEMBRO NG DAVAO GROUP.

IDINAGDAG PA NI CAPUYAN NA WALA SIYANG DIREKTANG KINALAMAN SA OPERASYON NG CUSTOMS AT WALA S’YANG ALAM SA MGA TRANSAKSYON DITO.

INAMIN NAMAN NI CAPUYAN NA NAKILALA NITO SI TITA NANI SA PAMAMAGITAN NI JOJO BACUD AT NOONG ABRIL AY NAGKAROON SILA NG LUNCH MEETING KASAMA SI MARK TAGUBA.

SA NATURANG MEETING ANIYA NALAMAN NITO NA LAGING NAAALERT ANG MGA KARGAMENTO NI TAGUBA AT NAGSABI SIYA NA TUTULONG SUBALIT  WALANG COMMITMENT.

NANINIWALA RIN SI CAPUYAN NA SA PAGTUTURO NI TAGUBA AY PILIT NITONG ISINASALBA ANG SARILI SA MGA NAGANAP NA ANOMALYA SA AHENSYA.

SA PANIG NAMAN NI TAGUBA PINANINDIGAN NITO ANG ALEGASYON NA SI COL. CAPUYAN ANG KAN’YANG TINUTUKOY NA BIG BROTHER NG CUSTOM.

Published in National

BY: JOJO SICAT

SA IKAWALONG PAGDINIG NG SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE KAUGNAY SA P6.4B SHABU SHIPMENT NA NAKALUSOT SA BUREAU OF CUSTOMS (BOC), TATLONG MOSYON ANG AGAD NA INIHAIN NI SENADOR PANFILO LACSON.

UNANG MOSYON NI LACSON ANG IBALIK ANG SENATE PROTECTION KAY CUSTOMS FIXER MARK TAGUBA NA TINANGGAL NI BLUE RIBBON COMMITTEE CHAIRMAN RICHARD GORDON NOONG IKAANIM NA HEARING.

AGAD NAMANG NAGPALIWANAG SI GORDON SA HEARING AT SINABING NAGDESISYON SYA NA ALISIN ANG APAT NA SECURITY KAY TAGUBA MAKARAAN NILANG MAPATUNAYAN NA KAYA NAMAN NITONG KUMUHA NG SARILI NIYANG SECURITY.

MATAPOS NITO, IBINALIK NA ANG SENATE PROTECTION CUSTODY KAY TAGUBA.

IKALAWANG MOSYON NI LACSON ANG ATASAN ANG BOC PARTIKULAR NA SI COMMISSIONER ISIDRO LAPEÑA NA ISUMITE SA KUMITE ANG TALAAN NG MGA INILABAS NILANG ALERT ORDERS BAWAT BUWAN.

SA IMPORMASYON NI LACSON, NASA APAT NA RAAN (400) ANG ALERT ORDER NA NAILALABAS KADA BUWAN.

NAIS DIN NI LACSON NA ISUMITE NG BOC ANG MGA LETTER OF AUTHORITY NA INILABAS NG AHENSYA AT KUNG ANO ANG NANGYARI SA MGA ITO.

IKATLONG MOSYON NI LACSON NA IMBITAHAN ANG LAHAT NG MGA PERSONALIDAD NA NABANGGIT SA KAN’YANG PRIVILEGE SPEECH AT SA MGA PAGDINIG NG KAMARA AT SENADO.

BUKOD SA NAUNANG MOSYON, INAPRUBAHAN DIN NG KOMITE ANG DALAWA PANG MOSYON NA INIHAIN NI LACSON.

Published in National

BY: JOJO SICAT

TAHASANG SINABI NI BLUE RIBBON COMMITTEE CHAIRMAN SENADOR RICHARD GORDON NA TAPOS NA ANG KAN’YANG COMMITTEE SA ISINAGAWANG IMBESTIGASYON KINA DAVAO CITY VICE MAYOR PAOLO DUTERTE AT SA BAYAW NITO N SI ATTY. MANS CARPIO SA PAGKAKASANGKOT NITO SA TARA O LAGAY SA BUREAU OF CUSTOMS (BOC).

SINABI NG SENADOR NA HINDI NA MAASAHAN NGAYON ANG PAGDATING NG DALAWA SA BLUE RIBBON HEARING UKOL SA P6.4B SHABU SHIPMENT NA NAKALUSOT SA BOC DAHIL HINDI NA KAILANGAN ANG KANILANG PRESENSYA MATAPOS HUMARAP SA NAKARAANG PAGDINIG.

IGINIIT NI GORDON NA KITANG-KITA SA NAKARAANG PAGDINIG NA WALANG SAPAT NA KATIBAYAN SI TRILLANES PARA IDIIN SINA VM DUTERTE AT ATTY. CARPIO SA MGA ALEGASYON NITO.

ANIYA NG SENADOR, HINDI MAARING MAGAMIT PA ANG SENADO PARA SA MGA HEARSAY NA MGA AKUSASYON LABAN SA ILANG PERSONALIDAD.

NAKATAKDANG IPAGPATULOY NGAYONG ARAW ANG IKAWALONG PAGDINIG NG SENADO KUNG SAAN INAASAHAN ANG PAGDATING NI DATING BOC COMMISSIONER CAPT. NICANOR FAELDON SUBALIT HINDI PARA DUMALO SA IMBESTIGASYON KUNDI BOLUNTARYONG SUSUKO MATAPOS ANG IPINALABAS NA ARREST WARRANT NG LABAN KAY FAELDON.

MAGUGUNITA NA NOONG NAKARAANG SABADO, NAGTUNGO ANG MGA TAUHAN NG OFFICE OF THE SENATE SERGEANT-AT-ARMS SA TAHANAN NI FAELDON, BITBIT ANG ARREST WARRANT HINDI UPANG IPATUPAD ARESTO KAY MAYOR KUNDI PARA TIYAKIN ANG PAGDALO NI FAELDON NGAYONG ARAW NG PAGDINIG.

NANGAKO NAMAN SI FAELDON NA BOLUNTARYONG SUSUKO NGAYONG ARAW SA SENADO PERO NANINDIGAN NA HINDI ITO DADALO SA IKAWALONG IMBESTIGASYON NG BLUE RIBBON SA ISYU NG NAKALUSOT NA SHABU SHIPMENT SA BOC.

Published in National
Page 1 of 3

Broadcast Streaming

Top