JoomlaLock.com All4Share.net

BY: JOJO SICAT

KINILALA NA NG SENADO ANG MATAGUMAY NA KAMPANYA NG PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) PARA MAPANATILI ANG PEACE AND ORDER SA BANSA.

KATUNAYAN, SINABI NI SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE RALPH RECTO NA BILANG SUPORTA, DINAGDAGAN NG SENADO NG 5.63 BILLION PESOS ANG PONDO NG PNP BILANG AUGMENTATION NGAYONG TAON  PARA IPAMBILI NG MGA BAGONG EQUIPMENT.

1.9 BILYON DITO ANG NAILABAS NA NG DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT (DBM) PARA IPAMBILI NG MGA BAGONG BARIL, SASAKYAN PURCHASE BODY VESTS, BOATS, RADIOS AT MGA K-9 UNITS.

DINAGDAGAN DIN NG SENADO NG 19.9 BILYON KAYA UMAABOT NA SA 131.5 BILYON ANG BUDGET NG PNP PARA SA 2018 PARA SA PAGKUHA NG MGA KARAGDAGANG PULIS AT MAKAPAGTAYO NG MGA ISTASYON NG PULISYA BILANG BAHAGI NG CAPACITY ENHANCEMENT PROGRAM.

SINABI NI RECTO NA ISA SA PINAG-AARALAN NGAYON NA ISAMA NA ANG KANILANG ALLOWANCE SA BASE PAY PARA LUMAKI ANG TAKE HOME PAY NG MGA PULIS.

Published in National

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

BINIGYANG-DIIN SENADOR ANTONIO TRILLANES NA HINDI NIYA IAATRAS ANG MGA KASONG KRIMINAL AT ADMINISTRATIBONG KANYANG ISINAMPA KAY COMMUNICATIONS ASSISTANT SECRETARY MOCHA USON.

ITO AY SA KABILA NG MAGANDANG PAKIKITUNGO NI USON SA KANYA SA KANILANG PAGHARAP SA  SENATE HEARING NG COMMITTEE ON PUBLIC INFORMATION AND MASS MEDIA TUNGKOL SA FAKE NEWS AT PAGPAPA-PICTURE SA KANYA.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI TRILLANES NA BAGAMAT IKINALUGOD NIYA ANG ANIYA AY "FRIENDLY GESTURE" NG ASSISTANT SECRETARY DAHIL NAGPAPAKITA LAMANG ITO NG PAGIGING SIBILISADO NILA BILANG TAO.

PALIWANAG PA NG SENADOR, HINDI RIN NITO MABABAGO ANG KATOTOHANAN NA MAY MGA NILABAG NA BATAS ANG KALIHIM.

I APPRECIATE YUNG FRIENDLY GESTURES NI MISS MOCHA USON. PINAPAKITA LANG NAMAN NATIN DIYAN NA MGA SIBILISADONG TAO TAYO AT HINDI NAMAN TAYO NAMEMERSONAL, GANUN DIN NAMAN SA PART NIYA PERO WHEN I WAS ASKED KUNG THAT MEANS AY IUURONG KO NA YUNG KASO, EH SA AKIN NAMAN MAY MGA KRIMEN NA NAGAWA SO KAILANGAN NATING I-SET YUNG STANDARDS NG SENIOR PUBLIC OFFIALS SO TULOY LANG PO YUNG KASO”, ANI NG SENADOR.

SI TRILLANES AY NAGSAMPA NG KASONG GRAVE MISCONDUCT AT ANIM NA KASONG KRIMINAL KABILANG NA ANG LIBEL LABAN KAY USON DAHIL SA PAGKAKALAT UMANO NITO NG FAKE NEWS TUNGKOL SA MGA SINASABING OFFSHORE BANK ACCOUNTS NG SENADOR.

Published in National

BY: JOJO SICAT

IGINIIT NGAYON NI SENATE MINORITY LEADER FRANKLIN DRILON NA MALINAW SA ATING KONSTITUSYON NA TANGING ANG KONGRESO LANG ANG MAY KAPANGYARIHAN PARA IMBESTIGAHAN AT USIGIN ANG MGA IMPEACHABLE OFFICIALS KATULAD NG OMBUDSMAN AT CHIEF JUSTICE.

PALIWANAG PA NI DRILON, HINDI MAARING GAMITIN NG PANGULO ANG OTORIDAD AT IMPLUWENSYA NITO LABAN SA MGA INDEPENDENT BODY TULAD NG OMBUDSMAN AT SA CO-EQUAL BRANCH OF GOVERNMENT TULAD NG JUDICIARY.

GINAWA NI DRILON ANG PAHAYAG KASUNOD NG MGA BANTA NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE NA PAPAIMBESTIGAHAN AT IPAPAARESTO ANG MGA EMPLEYADO SA OFFICE OF THE OMBDUSMAN AT PAGHAHAMON KINA OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO-MORALES AT CHIEF JUSTICE MARIA LOURDES SERENO NA MAGBITIW NA SA PWESTO.

AYON KAY SENATOR DRILON, DAPAT AY MAGHAIN NA LANG SI PANGULONG DUTERTE NG IMPEACHMENT COMPLAINT LABAN KAY MORALES SA HALIP NA IPAGPATULOY ANG WORD WAR SA PAGITAN NILA NA WALA NAMANG PATUTUNGUHAN.

DAGDAG PA NI DRILON, DAPAT SUNDIN NG LAHAT ANG NAKASAAD SA ATING KONSTITUSYON AT MGA UMIIRAL NA BATAS.

Published in National

BY: JOJO SICAT

BINATIKOS NG OPPOSITION SENATORS ANG PAGSASAMPA NI DEPARTMENT OF JUSTICE (DOJ) SECRETARY VITALIANO AGUIRRE NG KASO LABAN SA KANILANG KASAMAHAN NA SI SENADORA RISA HONTIVEROS.

SINABI NG MGA MIYEMBRO NG SENATE MINORITY BLOC NA PINAMUMUNUAN NI SENADOR FRANKLIN DRILON, MALINAW NA HARRASSMENT AT PANANAKOT SA MGA TAGA-OPOSISYON ANG HAKBANG NI AGUIRRE.

IGINIIT NG GRUPO ANG PAGHAHAIN NG MGA KASONG PAGLABAG SA ANTI-WIRETAPPING LAW AT ETHICS COMPLAINT LABAN KAY HONTIVEROS AY MAY LAYUNING PATAHIMIKIN ANG MGA TAGA-OPOSISYON.

IPINUNTO PA NG GRUPO NA ANG NABUNYAG NA TEXT MESSAGES NI SEC. AGUIRRE KAY DATING CONGRESSMAN JING PARAS AY PATUNAY NA MATAGAL NG PINAGPLANUHAN ANG PAGHAHARAP NG ASUNTO KAY HONTIVEROS.

KATULAD ANILA ITO NG PAGPAPAKULONG SA KANILANG KASAMAHANG SI SENADORA LEILA DE LIMA, PAGHAHAIN NG ETHICS COMPLAINT KAY SENADOR ANTONIO TRILLANES IV AT MGA PAGBABANTA AT PANGGIGIPIT SA SUPREME COURT, OMBUDSMAN AT COMMISSION ON HUMAN RIGHTS.

DAGDAG PA NG SENATE MINORITY BLOC, MAHALAGA ANG PAPEL NA GINAGAMPANAN NG POLITICAL OPPOSITION SA ATING LIPUNAN DAHIL ITO ANG TUMUTUPAD SA CHECKS AND BALANCES PARA SA UMIIRAL NA DEMOKRASYA.

Published in National

BY: JOJO SICAT

INAMIN NI SENADOR PANFILO LACSON ANG PANGUNAHING MAY AKDA NG KASALUKUYANG ANTI-WIRETAPPING LAW NA HINDI SAKOP NG KASALUKUYANG BATAS ANG NANGYARING PAGKUHA NG LITRATO SA CELLPHONE NI DEPARTMENT OF JUSTICE (DOJ) SECRETARY VITALIANO AGUIRRE HABANG NAKIKIPAGTEXT ITO KAY DATING CONGRESSMAN JING PARAS.

AYON KAY LACSON, HINDI PA NA-AAMIYENDAHAN ANG KASALUKUYANG ANTI-WIRETAPPING ACT KUNG SAAN HINDI PA SAKOP ANG INSIDENTE NG KAY SECRETARY AGUIRRE.

ANIYA NI LACSON, DAPAT NA MAPALAWAK ANG SCOPE NG KASALUKUYANG BATAS NA DAPAT MASAMA NA ANG KASALUKUYANG TEKNOLOHIYA AT  MGA DARATING PANG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA SA KASALUKUYANG PANUKALANG NAKAHAIN SA SENADO.

SINABI NG SENADOR, NAKIKITA NITONG PROBLEMA SA KASALUKUYAN AY WALA ITONG COUNTERPART SA HOUSE OF REPRESENTATIVES.

SA NGAYON, SINABI NI LACSON NA NAKA-PENDING PA RIN SA INTERPELLATION SA SENADO ANG PANUKALANG PAG-AMIYENDA SA ANTI-WIRETAPPING LAW.

IGINIIT PA NI LACSON NA MARAMI PANG MGA BAGO SA DIGITAL TECHNOLOGY ANG HINDI SAKOP NG KASALUKUYANG ANTI-WIRETAPPING LAW TULAD NG KASONG ISINAMPA NI AGUIRRE LABAN KAY SENADORA RISA HONTIVEROS.

DAGDAG PA NG SENADOR, PANAHON NA UPANG MAAMIYEDAHAN ANG NATURANG BATAS AT MAPALAWAK ANG SCOPE AT COVERAGE NITO PARA MAKASABAY SA BAGONG TEKNOLOHIYA ANG PAGPAPATUPAD SA BATAS.

Published in National
Page 1 of 31

Broadcast Streaming

Top