JoomlaLock.com All4Share.net

BY: 8TRIMEDIA NEWS TEAM

AMINADO ANG DEPARTMENT OF SOCIAL WORK AND DEVELOPMENT (DSWD) NA KAILANGAN TALAGA NG PANGMATAGALANG SOLUSYON SA KAHIRAPAN SA BANSA.

ITO ANG TUGON NI DSWD UNDERSECRETARY HOPE HERVILLA SA LUMABAS NA SURVEY NG SOCIAL WEATHER STATION (SWS) NA TUMAAS ANG BILANG NG MGA PAMILYA NA HINDI NAKAKAKAIN NG HANGGANG ISANG BESES SA NAKALIPAS NA TATLONG BUWAN.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI HERVILLA NA PINAG-AARALAN NA NG AHENSYA NGAYON ANG MGA PANGMATAGALANG SOLUSYON NA MAAARI NILANG MAIPATUPAD UPANG MAIBSAN ANG KAHIRAPAN SA BANSA.

AYON PA KAY HERVILLA, ANG KASALUKUYANG MGA PROGRAMA NGPAMAHALAAN TULAD NG 4PS O PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM AY PANTAWID LAMANG TALAGA AT HINDI MAAARING MAGING TANGING SOURCE NG KABUHAYAN NG ISANG PAMILYA.

SA NGAYON MAY MGA PROGAMA NAMAN ANIYA ANG IBA'T IBANG AHENSYA NG GOBYERNO PERO TINGIN NI HERVILLA, ANG KAILANGAN TALAGA NG AY MAGKAROON ANG BANSA NG ISANG MALAKING INDUSTRIYA NA MAKAKAPAGBIGAY NG TRABAHO PARA MAKAPAGSUSTINE SA MGA PAMILYANG PILIPINO.

NABATID NA AYON SA SURVEY NG SWS NA ISINAGAWA NOONG  SEPTEMBER 23 HANGGANG 2017, NG SWS,  11.8 PERCENT O NASA 2.7 MILYONG PAMILYA ANG NAKARARANAS NG  “MODERATE HUNGER” O HINDI NAKAKAKAIN NG HANGGANG ISANG BESES.

KUMPARA ITO SA  9.5 PERCENT O 2.2 MILYONG PAMILYANG NAKARANAS NG GUTOM  NOONG HUNYO.

 

Published in National

Broadcast Streaming

Top