JoomlaLock.com All4Share.net

BY: FELIX TAMBONGCO

DEAD ON ARRIVAL SA PAGAMUTAN ANG DALAWANG MENOR DE EDAD HABANG SUGATAN NAMAN ANG INA NG MGA ITO MATAPOS NA MATABUNAN NG LUPA ANG KANILANG TINITIRHANG BAHAY SA SITIO HAPAY SA MANGGA BARANGAY DOLORES, TAYTAY RIZAL.

ANG MGA BIKTIMA AY KINILALANG SINA JUSTINE PONDAL,  14 TAONG GULANG AT JUDE PONDAL, 17 TAONG GULANG HABANG ANG KANILANG INA NA SI JUDITH PONDAL AY NAGTAMO NG BALI SA KALIWANG KAMAY.

SA INISYAL NA ULAT NG TAYTAY RESCUE TEAM, DAHIL SA MALAKAS NA PAG-ULAN, LUMAMBOT ANG LUPA SA NATURANG LUGAR AT SA PAGITAN NG ALAS 4:30 HANGGANG ALAS 5:00 KANINANG MADALING ARAW, NAGKAROON ITO NG PAGGUHO.

AYON KAY RIZAL PROVINCIAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE (PDRRMO) CHIEF DONG MALONZO, AGAD NA NAGRESPONDE ANG TAYTAY RESCUE TEAM SA LUGAR UPANG MAGSAGAWA NG RESCUE OPERATION.

AGAD NAMANG NA-RECOVER ANG MGA BIKTIMA AT ISINUGOD SA TAYTAY EMERGENCY HOSPITAL SUBALIT BIGO NG MAILIGTAS PA SINA JUSTINE AT JUDE, NILAPATAN NAMAN NG LUNAS ANG INA NG MGA ITO NA SI JUDITH.

NAPAG-ALAMAN NA ANG NATURANG LUGAR AY NASA BAHAGI NG LANDSLIDE PRONE AREA, BATAY NA RIN SA PINAKAHULING GEOLOGICAL ASSESSMENT NG MINES AND GEOSCIENCES BUREAU (MGB). 

Published in Provincial

By: Melchor Balawas

MAY posibilidad daw na maapektuhan ang kabubukas na Roro route sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia dahil sa pagkasira ng pangunahing pantalan sa Sarangani province dahil sa lindol.

Sa pahayag sa DZRJ, sinabi ni Rene Punzalan, Provincial Disaster Risk Reduction Management Officer o PDRRMO ng Saranggani na ito ay dahil sa malaki ang pinsala na dulot ng lindol sa nasabing pantalan o ang glan port sa nasabing probinsya.

Gayun paman, sinabi ni Punzalan na inaasahan nila na makumpuni kaagad ang nasabing pantalan dahil kasama ang Saranggani province sa Brunei-Indonesia-Malaysia-Philippines trade Roro route.

Published in National

Hinigpitan ngayon ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) – Sorsogon ang kanilang pagbabantay sa Mt. Bulusan kaugnay nang inaasahang pagpasok ng La Niña Phenomenon sa bansa.

 

Sa panayam kay Ariel Doctama, tagapagsalita ng PDRRMO-Sorsogon, sinabi nito na patuloy ang kanilang pagmonitor sa nasabing bulkan matapos na muli itong sumabog kahapon (June 26).

 

Umabot aniya sa 200-meters ang taas ng white steam plumes na ibinuga ng naturang bulkan.

 

Dahil sa mas marami nitong ibinugang abo kahapon, pinag-iingat na ang mga residente na nakatira malapit sa paanan ng bulkan sa posibilidad ng lahar flow lalo na kung tatama ang malakas na pag-uulan sa lalawigan.

 

Inabisuhan na rin ng PDRRMO ang mga civil aviation authorities na iwasan muna ang paglipad malapit sa summit ng Mt. Bulusan dahil na rin sa posibilidad na magkaroon muli ng phreatic eruptions.

 

Patuloy din ang pag-monitor ng Phivolcs sa kondisyon ng naturang bulkan sakaling magpakita pa ito ng mga abnormality.

Published in Provincial

Broadcast Streaming

Top