JoomlaLock.com All4Share.net

BY: 8TRIMEDIA NEWS TEAM

HINDI PA NAAARESTO NG MGA PULIS SI PINAGKAISANG SAMAHAN NG MGA TSUPER AT OPERATOR NATIONWIDE O PISTON NATIONAL PRESIDENT GEORGE SAN MATEO.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI QUEZON CITY POLICE DISTRICT O QCPD CHIEF SUPT. GUILLERMO ELEAZAR NA KASALUKUYAN PA NILANG TINUTUKOY KUNG NASAAN SI SAN MATEO.

HINDI RIN UMANO SILA NAKAKATANGGAP NG 'FEELER' MULA SA KAMPO NI SAN MATEO HINGGIL SA MAAYOS PAGSUKO NITO BAGAMA’T BUKAS NAMAN ANIYA SA PAKIKIPAG-UGNAYAN SA PISTON LEADER.

ANG WARRANT OF ARREST LABAN KAY SAN MATEO AY IPINALABS NG QUEZON CITY METROPOLITAN TRIAL COURT BRANCH 43 PRESIDING JUDGE DON ACE MARIANO ALAGAR KAUGNAY SA ISINAMPANG KASO NG LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD (LTFRB) DAHIL SA PAGLABAG SA SECTION 20 (K) AT SECTION 24 NG COMMONWEALTH ACT NO. 14 O PUBLIC SERVICE ACT.

KAUGNAY ITO NG PAGSASAGAWA NG PISTON NG TIGIL-PASADA NOONG FEBRUARY 27, 2017 PARA TUTULAN ANG JEEPNEY MODERNIZATION PROGRAM NA AYON SA LTFRB AY NAGDULOT NG MATINDING PERWISYO SA COMMUTERS.

 

Published in National
Tuesday, 05 December 2017 09:59

RIDER NA WALANG HELMET ARESTADO SA SHABU

BY: ROMMEL MADRIGAL

ARESTADO ANG ISANG RIDER MATAPOS SITAHIN NG OTORIDAD NA WALANG HELMET HABANG NAGSASAGAWA NG OPLAN SITA SA NATIONAL HIWAY BRGY. PARIAN CALAMBA CITY.                  

KINILALA ANG NAARESTONG SUSPEK NA SI RENATO NARVAEZ, 40 TAON NG BRGY. PACIANO, CALAMBA CITY.

BATAY SA ULAT NG CALAMBA PNP, PASADO 12:30 NG HATING GABI, HABANG NAGSASAGAWA NG OPLAN SITA ANG GRUPO NG PNP CALAMBA SA KAHABAAN NG BRGY. PARIAN, DUMAAN UMANO ANG SUSPEK SA KANILANG HARAP NA WALANG HELMET SAKAY NG SUSUKI MOTORCYCLE NA MAY PLATE NUMBER WF 6553. PINARA NILA ITO AT HININGI ANG LISENYA SA PAGMAMANEHO NG KUNIN ANG WALLET AT ILABAS ANG LISENSYA NAHULOG ANG ISANG MIDEUM PLASTIC SACHET NA NAGLALAMAN NG PINAG HIHINALAANG SHABU, SUBALIT AGAD TINAPAKAN ITO PARA ITAGO NA HINDI NAMAN NALINGID SA OTORIDAD NA AGAD NAKITA ANG TINAPAKAN NG SUSPEK.

DAHIL DITO AY ITINULOY NA ANG PAGSALIKSIK SA SUSPEK AT MULING NAKUHANAN PA SA KANYANG WALLET NG ISA PA RING KASINLAKI NG NAUNA NG NAKUHANG NAGLALAMAN NG PINAG HIHINALAANG SHABU KAYA’T INARESTO ITO.

KASALUKUYAN NG NASA KOSTODIYA NG CALAMBA CITY PNP ANG SUSPEK AT SASAMPAHAN NG KASONG PAGLABAG SA REPUBLIC ACT 10054 ANG SUSPEK KAUGNAY SA WALANG HELMET AT REPUBLIC ACT 9165 SEC 11, KAUGNAY NAMAN SA PAG IINGAT NG IPINAGBABAWAL NA DROGA.

 

 

Published in Provincial

BY: JOJO SICAT

NANINIWALA SI SENADOR PANFILO LACSON NA KAYANG MABIGYAN NG DAGDAG NA PENSION ANG MGA MIYEMBRO NG ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES (AFP) ,PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) AT IBA PANG UNIFORMED PERSONNEL NG GOBYERNO.

SINABI NI LACSON MAY NAKIKITA ITONG PONDO NA AABOT SA P36 BILYON PISO NA MAAARING PAGKUHAAN PARA SA PENSION NG MGA SUNDALO AT UNIFORMED PERSONNEL NG GOBYERNO.

SA GINAWANG JOINT HEARING NG COMMITTEE ON NATIONAL DEFENSE & SECURITY, COMMITTEE ON PUBLIC ORDER & DANGEROUS DRUGS AT COMMITTEE ON FINANCE, IGINIIT NI LACSON NA MARAMI UMANONG SOBRA SOBRANG PONDO SA PANUKALANG 2018 NATIONAL BUDGET

SA PAGSUSURI NI LACSON, MAARING I-REALIGN ANIYA ANG MGA APPROPRIATIONS MULA SA DPWH AT IBA PANG AHENSYA TULAD NG PNP AT DILG PARA MAPAGKUNAN NG PONDO PARA SA DAGDAG NA PENSION NG MGA SUNDALO AT UNIFORMED PERSONNEL.

ANIYA KUNG GAGAWIN ITO WALANG PROBLEMA NA MABIGYAN NG DAGDAG PENSION ANG MGA UNIFORMED PERSONNEL NG GOBYERNO.

Published in National

BY: ROMMEL MADRIGAL

NAGWAKAS DIN ANG PAGTATAGO NG ISANG WANTED NA MAHIGIT ISANG DEKADANG PINAGHAHANAP NG BATAS NA ITO AY MAY NAISAGAWANG KRIMEN SA SAN JOSE ATIGUE.

KINILALA ANG NAARESTONG SUSPEK NA SI WINSTON GILUA ALYAS KA WAWAY AT ALYAS KA NONOY, 49 NA TAON, MAY ASAWA, NA KASALUKUYAN NG NANINIRAHAN SA BRGY. MABACAN, CALAUAN LAGUNA NA DATING TEAM LEADER UMANO NG PANAY REGIONAL PARTY COMMITTEE OF SOUTHERN FRONT COMMITTEE OF NEW PEOPLE’S ARMY NA NAARESTO RIN SA NATURANG LUGAR SA CALAUAN.

BASE SA ULAT NA IPINADALA MULA SA TANGGAPAN NI CALAUAN POLICE OIC PCI ROBERTO SANTOS, PASADO 9:30 NG GABI KASAMA ANG GRUPO NG LAGUNA PIB NG ISINAGAWA ANG OPERASYON, NA MAY KAUGNAYAN SA LOI MANHUNT CHARLIE, PROJECT JANITOR FISH, AT OPLAN GALUGAD NA NAGING DAHILAN SA PAGKAARESTO NG AKUSADO.

INARESTO ANG ITO SA BISA NG WARRANT OF ARREST NA IPINALABAS NI HON. JUDGE NERY G. DUREMDES NOON PANG SEPTEMBER 28, TAONG 2004 NA MAY KASONG MURDER AT MAY CRIMINAL CASE NUMBER 6958 SA REGIONAL TRIAL COURT 6 BRANCH 11 SAN JOSE ANTIQUE NA WALANG PYANSANG INILAAAN PARA SA KANYA.

KASALUKUYAN NG NASA KUSTODIYA NG CALAUAN POLICE STATION ANG NAARESTONG AKUSADO NA KUNG SAAN HINIHINTAY NA LANG ANG ORDER NG KORTE KUNG SAAN ILILIPAT ITO.

.

 

 

Published in Provincial

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

WALA PANG NATATANGGAP NA OPISYAL NA DIREKTIBA MULA SA HEADQUARTERS ANG NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE O NCRPO HINGGIL SA PAGBABALIK NG KAMPANYA KONTRA DROGA SA PHILIPPINE NATIONAL POLICE O PNP.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI NCRPO POLICE DIRECTOR OSCAR ALBAYALDE NA BAGAMAT MALINAW ANG NAGING PAHAYAG NI PANGULONG DUTERTE NA IBABALIK NA ANG DRUG WAR SA KAPULISAN MULA SA PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY O PDEA AY HINIHINTAY PA NILA ANG DIREKTIBA NI PNP CHIEF GENERAL RONALD DELA ROSA.

NILINAW NAMAN NI ALBAYALDE NA MARAMI DING NAGING ACCOMPLISHMENT ANG PDEA SA KANILANG PAMUMUNO SA DRUG WAR NGUNIT ANG IPINGANGAMBA LAMANG NG PANGULO AY ANG MULING LUMAGANAP ANG DROGA SA MGA LANSANGAN.

KATUNAYAN ANIYA AY MGA OPISYAL NA BARANGAY NAG-UULAT SA PNP NA BALIK-OPERASYON NA ANG MGA TULAK NG DROGA SA KANI-KANILANG LUGAR.

KULANG KASI ANG TAUHAN NG PDEA PARA MAKAPAGBANTAY PA SA MGA BARANGAY KAYA HINDI MALAYONG MAMAYAGPAG MULI ANG MGA NAGBEBENTA NG DROGA SA MGA LANSANGAN SA BUONG BANSA.

TINIYAK NAMAN NG NCRPO NA HANDA SILA SA PANGUNAHANG MULA ANG DRUG WAR NG GOBYERNO UPANG HINDI NA LUMALA PA ANG MGA KRIMEN NA MAY KINALAMAN SA ILIGAL NA DROGA.

Published in National
Page 1 of 103

Broadcast Streaming

Top