JoomlaLock.com All4Share.net

BY: 8TRIMEDIA NEWS TEAM

NAKATAKDANG MAKIPAG-DAYALAGO ANG LAND TRANSPORTATON FRANCHISING AND REGULATORY BOARD (LTFRB) SA MGA OPERATOR NG MOTORCYCLE RIDING APP NA ANGKAS AT HABAL-HABAL SA SUSUNOD NA BUWAN.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI LTFRB SPOKESMAN AT BOARD MEMBER ATTY. AILEEN LIZADA NA SA DISYEMBRE 12 AY IIMBITAHAN DIN NILA SA NATURANG DAYALOGO SINA HOUSE SPEAKER PANTALEON ALVAREZ AT SI HOUSE TRANPORTATION COMMITTEE VICE CHAIRMAN EDGAR SARMIENTO PARA TALAKAYIN KUNG MAAARI NGA BANG PAYAGAN ANG MGA MOTORSIKLO NA GAMITIN BILANG PUBLIC TRANSPORTATION.

PALIWANAG PA NI LIZADA, SA KASALUKUYAN KASI AY KABILANG ANG MOTORSIKLO NA IPINAGBABAWAL NA GAMITING PAMPASADA O PANGHATID NG MGA PADALA ALINSUNOD SA RA 4136 O ANG LAND TRANSPORTATION AND TRAFFIC CODE.

BAGAMAT SALUDO ANG LTFRB SA HANGARIN NG MGA MIYEMBRO NG ANGKAS NA MAKATULONG SA MGA COMMUTERS AY HINDI PA RIN NILA PAPAYAGAN ITO DAHIL WALA ITONG KAUKULANG PERMIT  PARA PUMASADA.

GAYUNMAN, BATID NG AHENSYA NA GINAGAMIT ANG HABAL-HABAL SA KANAYUNAN LALO NA SA MGA LUGAR NA WALANG MAAYOS NA KALSADA KAYA NAIS NILANG MASILIP NG MGA MAMBABATAS ANG USAPING ITO PARA MAGAWAN NG KAUKULANG BATAS KUNG KINAKAIANGAN.

Published in National

BY: FELIX TAMBONGCO

PAGAGAANIN NA ANG MGA REQUIREMENT NA IPINAPATAW NG DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM (DAR) SA PAGPAPAREHISTRO NG LUPA.

SA ILALIM NG HOUSE BILL 6589 NA INAKDA NI SPEAKER PANTALEON ALVAREZ, ANG MGA LUPAIN NA KINAKAILANGANG IKUHA NG CLEARANCE MULA SA DAR PARA SA REGISTRATION AY YUN LAMANG SAKLAW NG COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM PROGRAM (CARP).

GANUN DIN KUNG ANG IPAREREHISTRONG LUPAIN AY 5 EKTARYA PABABA AY HINDI NA KINAKAILANGAN PANG IKUHA NG PERMISO SA DAR.

ANG SERTIPIKASYON NA IPAGKAKALOOB NG DAR DAPAT AY NAGSASAAD LAMANG NA ANG ISANG LUPAIN AY HINDI SAKLAW NG AGRARYONG REPORMA.

ISINASAAD RIN SA PANUKALA NA WALANG DEED OF SALE SA MGA LUPAING AGRIKULTURAL ANG MAAARING MAITALA SA REGISTRY OF DEEDS KING WALANG KAUKULANG AFFIDAVIT NA REQUIRE PARA SA MGA NAGBENTA BATAY SA ISINASAAD NG AGRICULTURAL LAND REFORM CODE.

SINO MANG OPISYAL NG GOBYERNO ANG MAPAPATUNAYANG LALABAG SA PANUKALA AY MAAARING MATANGGAL SA TRABAHO AT MAHARAP SA KASONG ADMINISTRATIBO AT KRIMINAL.

ANG PANUKALA AY PASADO NA SA KAMARA SA IKALAWANG PAGBASA.

Published in National

BY: JOJO SICAT

NANINIWALA SI SENATE PRESIDENT AQUILINO KOKO PIMENTEL III NA MALAKAS ANG LABAN NG PARTIDO DEMOKRATIKO PILIPINO - LAKAS NG BAYAN O PDP - LABAN SA 2019 MIDTERM ELECTIONS.

GINAWA NI PANGULO NG PDP- LABAN ANG PAHAYAG MATAPOS ANG PAGLIPAT NG ILANG MGA POLITIKO SA KANILANG PARTIDO.

AYON KAY PIMENTEL,NAPAG USAPAN NA NILA PDP SECRETARY GENERAL AT HOUSE SPEAKER PANTALEON ALVAREZ LABAN NA IPAKITA ANG PWERSA NG PARTIDO PARA SUPORTAHAN ANG KANILANG MGA PAMBATO SA NATIONAL POST.

AYON DIN KAY PIMENTEL, NASA 120 MAHIGIT NA ANG KANILANG MIYEMBRO SA KAMARA AT PATULOY NA NADARAGDAGAN.

PINAKAHULING NANUMPA SA PDP LABAN AY SI DATING PANGULO AT NGAYOY CONGRESSWOMAN GLORIA MACAPAGAL ARROYO PATI NA SILA BOHOL REPRESENTATIVE ARTHUR YAP, CAMIGUIN REPRESENTATIVE XJ ROMUALDO, DATING AGRARIAN REFORM SECRETARY NASSER PANGANDAMAN,AT ATTY. RAUL LAMBINO.

NASA QUEZON PROVINCE DIN NGAYON SI JUSTICE SECRETARY VITALIANO AGUIRRE PARA PANGUNAHAN ANG MASSIVE OATH TAKING NG MGA BAGONG MIYEMBRO NG PDP-LABAN.

Published in National

BY: FELIX TAMBONGCO

MULING MAGKAKAROON NG PAGKAKATAON NA MATALAKAY NG MGA MAMBABATAS NA KABILANG SA ASSOCIATION OF SOUTH EAST ASEAN NATION ANG PROBLEMA SA TERORISMO AT ILIGAL NA DROGA SA GAGANAPING 38TH ASEAN INTER-PARLIAMENTARY ASSEMBLY (AIPA) SA SEPTEMBER 14 HANGGANG 20, 2017 SA LUNGSOD NG MAKATI.

ITO ANG IKA-TATLO AT CULMINATING EVENT NG AIPA NA ANG NAGHO-HOST AY ANG KONGRESO NG PILIPINAS SA PANGUNGUNA NI AIPA PRESIDENT SPEAKER PANTALEON ALVAREZ.

ANG PHILIPPINE CONGRESS DIN ANG NAG-HOST NG AIPA INTERFACE NOONG NAKARAANG ABRIL AT NG AIPA FACT-FINDING COMMITTEE (AIFOCOM) NOONG JULY NA NAGLALAYONG LABANAN ANG PROBLEMA NG DROGA SA ASEAN REGION.

AYON KAY DEPUTY SPEAKER AT ISA SA KASAPI NG EXECOM NG TASKFORCE AIPA RANEO ABU, MAAARING MATALAKAY SA AIPA GENERAL ASSEMBLY ANG SMUGGLING NG DROGA MULA SA TSINA DAHIL SA OBSERBASYON NA KARAMIHAN SA ILIGAL NA DROGA SA BANSA AY NAGMULA SA TSINA TULAD NG P6.4 BILYONG SHABU SHIPMENT.

ANG PAGTALAKAY UMANO NITO AY MAAARING HUMANTONG SA PAGTUTULUNGAN NG PILIPINAS AT TSINA PARA MA-CONTROL ANG DRUG SMUGGLING AT TRAFFICKING.

AYON PA KAY ABU, MAHALAGA AMANO ANG INFORMATION SHARING SA PAGLABAN SA ILLEGAL DRUGS SA ASEAN REGION, KATUNAYAN MAY MGA BANSA NA LUMAGDA NA NG BILATERAL AGREEMENT TULAD NG BORDER SECURITY AGREEMENT SA PAGITAN NG MYANMAR AT THAILAND.

KASAMA RIN SA TATALAKAYIN AY ANG PATULOY NA BANTA NG TERORISMO SA REHIYON.

SAMANTALA, INAASAHANG DADALO SA 38TH AIPA GENERAL ASSEMBLY AY ANG MGA MAMBABATAS MULA SA BANSANG BRUNEI DARUSSALAM, CAMBODIA, INDONESIA, LAOS PEOPLES DEMOCRATIC REPUBLIC, MALAYSIA, MYANMAR, PILIPINAS, THAILAND, SINGAPORE AT VIETNAM.

Published in World

BY: FELIX TAMBONGCO

MAAARI NANG MAGPUTOL O MAGTANIM NG PUNO ANG DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS (DPWH) KAHIT WALANG PERMISO MULA SA DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES (DENR), ITO'Y SAKALI AT GANAP NA MAISABATAS ANG HOUSE BILL 4208.

ANG PANUKALA AY APRUBADO NA SA HOUSE COMMITTEE ON NATURAL RESOURCES SA KAMARA DE REPRESENTANTES.

SA ILALIM NG HOUSE BILL 4208, NA INIHAIN NI MARIKINA REP. BAYANI FERNANDO, PINAPAYAGAN NA ANG DPWH NA MAGPUTOL, MAGBUNOT, O MAGTANIM NG PUNO HABANG NAGPAPATUPAD NG NATIONAL O LOCAL INFRASTRUCTURE PROJECT TULAD NG CLEARING NG ROAD RIGHT-OF-WAY AT SITE CLEARING.

ISINASAAD RIN SA PANUKALA NA HINDI NA KINAKAILANGAN PANG KUMUHA NG CUTTING, BALLING O PLANTING PERMIT ANG DPWH SA DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES (DENR) AT MGA ATTACHED AGENCY NITO.

UNA NANG NANAWAGAN SINA HOUSE SPEAKER PANTALEON ALVAREZ AT MAJORITY LEADER RODOLFO FARIÑAS SA KOMITE NA BIGYAN NG DIREKTIBA ANG DPWH AT DENR NA GUMAWA NG EXECUTIVE ARRANGEMENT NA UMPISAHAN NA ANG BALLING OUT NG MGA PUNO NA NAKAKAHARANG SA KALSADA NA KADALASANG NAGIGING SANHI NG AKSIDENTE.

GINAWA NG DALAWANG MATAAS NA LIDER NG KAMARA ANG PANAWAGAN MATAPOS ANG ISINAGAWANG INSPEKSYON SA MINDANAO NAUTICAL HIGHWAY AT NORTH LUZON HIGHWAY INSPECTION.

LUMAGDA NA RIN NG ISANG MEMORANDUM OF AGREEMEMT (MOA) ANG DEPARTMENT OF ENERGY (DOE) AT ANG DENR SA PAG-AALIS NG MGA POSTE NG KURYENTE NA NAGBIBIGAY NG PANGANIB SA MGA MOTORISTA.

AYON KAY FERNANDO, ANG PAGKUHA NG TREE-CUTTING, EARTH BALLING, TRANSFER, DISPOSAL, AT PLANTING PERMITS MULA SA DENR AY NAKAKAPAGPABAGAL SA IMPLEMENTASYON NG PROYEKTO NG DPWH.

IMINUNGKAHI RIN NI FERNANDO SA DPWH NA BUMILI NG 60 BALLING MACHINE NA IPAPAMAHAGI NG TIG-5 SA BAWAT REHIYON.

Published in National
Page 1 of 20

Broadcast Streaming

Top