JoomlaLock.com All4Share.net

BY: 8TRIMEDIA NEWS TEAM

BINUKSAN NA KAHAPON ANG 10.10 KILOMETRONG BAHAGI NG  TARLAC-PANGASINAN-LA UNION TOLL EXPRESSWAY O TPLEX SA PANGASINAN KAHAPON.

ITO AY KASUNOD NG PAGPAPALABAS NG TOLL REGULATORY BOARD (TRB) NG TOLL OPERATION PARA SA PHILIPPINE INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT CORP. (PIDC) PARA SA SEGMENT SA PAGITAN NG BINALONAN HANGGANG POZORRUBIO, PANGASINAN.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI TRANSPORTATION ANALYST  BERT SUANSING  NA MALAKING GINHAWA ITO PARA SA MGA MOTORISTA DAHIL MULA ANG BIYAHE MULA SA BALINTAWAK SA QUEZON CITY HANGGANG BAGUIO AY AABOT NA LAMANG SA APAT AT KALAHATING ORAS MULA SA ANIM NA ORAS.

SA NGAYON, AYON KAY SUANSING AY LIBRE MUNA ANG TOLL FEE SA LOOB NG TATLONG LINGGO NGUNIT AABOT SA TATLUMPU'T LIMANG PISO (P35) ANG BAYAD PARA SA PAGDAAN DITO.

INAASAHAN NAMAN NA ANG HULING 10.92 KILOMETRONG BAHAGI NG TPLEX POZORRUBIO, PANGASINAN HANGGANG ROSARIO, LA UNION AY INAASAHANG MATATAPOS SA HUNYO NG TAON 2019.

Published in National

Broadcast Streaming

Top