JoomlaLock.com All4Share.net

BY: JOJO SICAT

WALANG PLANO SI SENADOR PANFILO LACSON NA PUNTAHAN O DALAWIN SI DATING BUREAU OF CUSTOMS (BOC) COMMISSIONER NICANOR FAELDON SA OFFICE OF THE SENATE SERGEANT-AT-ARMS KUNG SAAN SIYA NGAYON NAKADITENE.

AYON KAY LACSON, WALA NANG SILBI PA NA PUNTAHAN NIYA AT KAUSAPIN SI FAELDON KASUNOD NGA NG DESISYON NITO NA SA HUSGADO NA LAMANG HAHARAP UPANG LINISIN ANG KANIYANG PANGALAN HINGGIL SA MGA ALEGASYON NG KORASPYON LABAN SA KANIYA.

GIIT NG SENADOR, HINDI MAGKUKULANG ANG LALAMANIN NG COMMITTEE REPORT NG BLUE RIBBON KAHIT WALA ANG MGA TESTIMONYA NI FAELDON DAHIL MARAMI NAMAN ANIYANG IBA PANG RESOURCE PERSONS NA MAAARING TANUNGIN.

ITO ANIYA AY MAITUTURING PANG DISADVANTAGE SA PANIG NG DATING KOMISYUNER DAHIL PAGKAKATAON NA SANA NIYANG IPALIWANAG ANG KANIYANG PANIG SA ISSUE KUNG HUMARAP ITO SA PAGDINIG.

UNA NANG SINABI NI LACSON NA KANILA NANG INIWASAN ANG "DRAMA" SA PAGDINIG KAHAPON KAYA HINDI NILA PUWERSAHANG PINADALO SI FAELDON SA NATURANG PAGDINIG.

Published in National

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

HINDI MAIAALIS SA PAGKAKADETINE SA SENADO SI DATING BUREAU OF CUSTOMS (BOC) COMMISSIONER NICANOR FAELDON HANGGA'T WALANG ORDER MULA SA LIDERATO NG SENADO.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI SENATE SERGEANT-AT- ARMS JOSE BALAJADIA NA DAHIL SA IGINIIT NI FAELDON NA HINDI SIYA DADALO SA HEARING NG SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE KAUGNAY SA INIIMBESTIGAHANG TARA SYSTEM AT P6.4 BILLION NA HALAGA NG SHABU SA BOC AY MANANATILING EPEKTIBO ANG ARREST ORDER LABAN DITO.

MUKHANG MAY COMMITMENT DIN ‘YAN. DI BA SINABI NIYA NA HINDI SIYA MAG-A-ATTEND NG HEARING? SO HANGGA'T SA MAG-ATTEND SIYA SIGURO AT SAKA MAGSALITA SIYA, AFTER THAT PWEDE NANG MAG-DECIDE YUNG MGA SENADOR”, ANI BALAJADIA.

AYON PA KAY BALAJADIA, ANG SENADO RIN ANG MAKAKAPAGDESISYON SA PAGLILIPAT KAY FAELDON SA IBANG KULUNGAN.

SA NGAYON, ANG ABOGADO AT MIYEMBRO NG PAMILYA NI FAELDON LAMANG ANG PINAPAYAGAN NG SENADO NA BUMISITA SA SA KAN’YA.

NAUNA RITO, IGINIIT NI FAELDON NA SA KORTE NA LAMANG NIYA SASAGUTIN ANG LAHAT NG MGA KATANUNGAN KAUGNAY SA TARA SYSTEM AT SA NAKAPUSLIT NA ILIGAL NA DROGA SA KAN’YANG DATING TANGGAPAN.

Published in National

BY: JOJO SICAT

ISINISISI PA NI BLUE RIBBON COMMITTEE CHAIRMAN SENADOR RICHARD GORDON KINA SENADOR PANFILO LACSON AT SENADOR ANTONIO TRILLANES IV KAYA HINDI NITO NAKUNBINSI DATING BUREAU OF CUSTOM (BOC) COMMISSIONER NICANOR FAELDON NA DUMALO SA PAGDINIG SA SENADO.

MATAPOS ANG KULANG KULANG 30 MINUTO NA PAKIKIPAG-USAP NI GORDON KAY FAELDON SA TANGGAPAN NG OFFICE OF THE SERGEANT AT ARMS (OSAA) NG SENADO HINDI NITO NAKUNBINSI SI FAELDON NA DUMALO SA ISINAGAWANG PAGDINIG NG BLUE RIBBON COMMITTEE.

SA PANAYAM SA LABAS NG TANGGAPAN NG OSAA SINABI GORDON NA NAGING MAAYOS NAMAN AT MAGALANG ANG PAKIKIPAG-USAP SA KANYA NI FAELDON. SUBALIT IGINIIT SA KANYA NI FAELDON NA HINDI ITO DADALO SA PAGDINIG DAHIL HINUSGAHAN NA ANIYA ITO NI LACSON AT TRILLANES.

ANIYA MAS NANAISIN NA LAMANG NI FAELDON NA MA-DETAINED SA SENADO KESA HUMARAP SA IMBESTIGASYON. SINABI PA NI GORDON NA SASAGUTIN NA LAMANG ANIYA NI FAELDON SA KORTE ANG NGA ALEGASYON LABAN SA KANYA NA TUMATANGGAP ITO NG TARA SA BOC OPERATION.

INAMIN DIN NA GORDON NA TINURUAN PA NITO SI FAELDON NA MAARI NAMAN ITONG MAGHAIN NG ETHICS COMPLAINTS LABAN SA SENADOR DAGDAG PA NG SENADOR MANANATILI SI FAELDON NA NAKADETINE SA OSAA HANGAT HINDI ITO DUMADALO SA PAGDINIG O HANGGAT HINDI PINALALAYA NG SENADO.

Published in National

BY: JOJO SICAT

TAHASANG SINABI NI BLUE RIBBON COMMITTEE CHAIRMAN SENADOR RICHARD GORDON NA TAPOS NA ANG KAN’YANG COMMITTEE SA ISINAGAWANG IMBESTIGASYON KINA DAVAO CITY VICE MAYOR PAOLO DUTERTE AT SA BAYAW NITO N SI ATTY. MANS CARPIO SA PAGKAKASANGKOT NITO SA TARA O LAGAY SA BUREAU OF CUSTOMS (BOC).

SINABI NG SENADOR NA HINDI NA MAASAHAN NGAYON ANG PAGDATING NG DALAWA SA BLUE RIBBON HEARING UKOL SA P6.4B SHABU SHIPMENT NA NAKALUSOT SA BOC DAHIL HINDI NA KAILANGAN ANG KANILANG PRESENSYA MATAPOS HUMARAP SA NAKARAANG PAGDINIG.

IGINIIT NI GORDON NA KITANG-KITA SA NAKARAANG PAGDINIG NA WALANG SAPAT NA KATIBAYAN SI TRILLANES PARA IDIIN SINA VM DUTERTE AT ATTY. CARPIO SA MGA ALEGASYON NITO.

ANIYA NG SENADOR, HINDI MAARING MAGAMIT PA ANG SENADO PARA SA MGA HEARSAY NA MGA AKUSASYON LABAN SA ILANG PERSONALIDAD.

NAKATAKDANG IPAGPATULOY NGAYONG ARAW ANG IKAWALONG PAGDINIG NG SENADO KUNG SAAN INAASAHAN ANG PAGDATING NI DATING BOC COMMISSIONER CAPT. NICANOR FAELDON SUBALIT HINDI PARA DUMALO SA IMBESTIGASYON KUNDI BOLUNTARYONG SUSUKO MATAPOS ANG IPINALABAS NA ARREST WARRANT NG LABAN KAY FAELDON.

MAGUGUNITA NA NOONG NAKARAANG SABADO, NAGTUNGO ANG MGA TAUHAN NG OFFICE OF THE SENATE SERGEANT-AT-ARMS SA TAHANAN NI FAELDON, BITBIT ANG ARREST WARRANT HINDI UPANG IPATUPAD ARESTO KAY MAYOR KUNDI PARA TIYAKIN ANG PAGDALO NI FAELDON NGAYONG ARAW NG PAGDINIG.

NANGAKO NAMAN SI FAELDON NA BOLUNTARYONG SUSUKO NGAYONG ARAW SA SENADO PERO NANINDIGAN NA HINDI ITO DADALO SA IKAWALONG IMBESTIGASYON NG BLUE RIBBON SA ISYU NG NAKALUSOT NA SHABU SHIPMENT SA BOC.

Published in National
Thursday, 07 September 2017 13:51

LACSON, BIGLANG NAG-ARAL NG CUSTOM TARIFF

BY: JOJO SICAT

SA IKAPITONG PAGDINIG NG BLUE RIBBON COMMITTEE SA P6.4 B SHABU SHIPMENT, INAMIN NI SENADOR PANFILO LACSON NA BIGLA TULOY ITONG NAG-ARAL NG CUSTOM TARIFF MATAPOS ANG GINAWANG AKUSASYON NI DATING BUREAU OF CUSTOM (BOC) COMMISSIONER NICANOR FAELDON SA ANAK NG SENADOR NA SANGKOT SA ILLEGAL SMUGGLING.

SA PAGDINIG, SINABI NI LACSON NA DISMAYADO ITO DAHIL MULING INISNAB NI FAELDON ANG IMBESTIGASYON PARA PATUNAYAN ANG ALEGASYON SA ANAK NITONG SI PAMPI LACSON AT SAGUTIN ANG KANÝANG MGA NADISKUBRE NA TARA O PAYOLA NI FAELDON SA OPERASYON SA NATURANG AHENSYA.

PALIWANAG NI LACSON NA SEMENTO ANG NEGOSYO NG ANAK NITO NA SHIPMENT NG CONTAINER NA PINAPADALA SA PILIPINAS NA EXEMPTED SA BUWIS BASE SA KANÝANG MASUSING PAG-AARAL NG CUSTOM TARIFF.

ANIYA NG SENADOR, SA HALIP NA SAGUTIN NI FAELDON ANG KANÝANG MGA NAGING PAHAYAG SA  PRIVILEGE SPEECH, NAG-IMBENTO ITO NG PANINIRA LABAN SA ANAK NA SI PAMPI LACSON NA LEGAL NA NAGNENEGOSYO SA BOC AT HINDI PA ITO HUMARAP SA PAGDINIG SA SENADO.

 

Published in National
Page 1 of 9

Broadcast Streaming

Top