JoomlaLock.com All4Share.net

BY: 8TRIMEDIA NEWS TEAM

MAGSASAGAWA NG DRY-RUN PARA SA HIGH-OCCUPANCY VEHICLES (HOV) LANE SA EDSA ANG METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY (MMDA) SA LUNES, DECEMBER 11.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI MMDA SUPERVISING OPERATIONS OFFICER BONG NEBRIJA NA ANG INNERMOST LANE O IKALIMANG LANE NG EDSA AY ILALAAN NILA PARA SA HOV.

AYON KAY NEBRIJA, ANG HOV AY MGA KOTSENG HINDI BABABA SA DALAWANG PASAHERO ANG SAKAY KABILANG ANG DRIVER KAY HINDI PAPAYAGANG DUMAAN ANG MGA SASAKYANG ANG DRIVER LAMANG ANG LAMAN.

ISANG LINGGO ANIYA SILANG MAGDA-DRY RUN UPANG MAKITA ANG ANUMANG ADJUSTMENTS NA KAILANGAN NILANG GAWIN.

DAGDAG PA NI NEBRIJA, NO CONTACT APPREHENSION POLICY ANG IPATUTUPAD SA MGA MAKIKITANG LALABAG SA BAGONG PATAKARAN DAHIL HINDI DELIKADO SA MGA MMDA ENFORCERS ANG PAGSITA SA GITNA NG KALSADA.

NABATID NA BATAY SA DATOS NG MMDA, UMAABOT SA 50% HANGGANG 60% ANG MGA SASAKYAN NA TUMATAHAK SA EDSA ANG KADALASANG DRIVER LANG ANG SAKAY.

Published in National

Broadcast Streaming

Top