JoomlaLock.com All4Share.net

BY: FELIX TAMBONGCO

DEAD ON ARRIVAL SA PAGAMUTAN ANG DALAWANG MENOR DE EDAD HABANG SUGATAN NAMAN ANG INA NG MGA ITO MATAPOS NA MATABUNAN NG LUPA ANG KANILANG TINITIRHANG BAHAY SA SITIO HAPAY SA MANGGA BARANGAY DOLORES, TAYTAY RIZAL.

ANG MGA BIKTIMA AY KINILALANG SINA JUSTINE PONDAL,  14 TAONG GULANG AT JUDE PONDAL, 17 TAONG GULANG HABANG ANG KANILANG INA NA SI JUDITH PONDAL AY NAGTAMO NG BALI SA KALIWANG KAMAY.

SA INISYAL NA ULAT NG TAYTAY RESCUE TEAM, DAHIL SA MALAKAS NA PAG-ULAN, LUMAMBOT ANG LUPA SA NATURANG LUGAR AT SA PAGITAN NG ALAS 4:30 HANGGANG ALAS 5:00 KANINANG MADALING ARAW, NAGKAROON ITO NG PAGGUHO.

AYON KAY RIZAL PROVINCIAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE (PDRRMO) CHIEF DONG MALONZO, AGAD NA NAGRESPONDE ANG TAYTAY RESCUE TEAM SA LUGAR UPANG MAGSAGAWA NG RESCUE OPERATION.

AGAD NAMANG NA-RECOVER ANG MGA BIKTIMA AT ISINUGOD SA TAYTAY EMERGENCY HOSPITAL SUBALIT BIGO NG MAILIGTAS PA SINA JUSTINE AT JUDE, NILAPATAN NAMAN NG LUNAS ANG INA NG MGA ITO NA SI JUDITH.

NAPAG-ALAMAN NA ANG NATURANG LUGAR AY NASA BAHAGI NG LANDSLIDE PRONE AREA, BATAY NA RIN SA PINAKAHULING GEOLOGICAL ASSESSMENT NG MINES AND GEOSCIENCES BUREAU (MGB). 

Published in Provincial

Umakyat pa sa 43 katao ang patay sa matinding baha sa lalawigan ng Java sa Indonesia habang 19 pa ang nawawala.

Ang 10 oras na pag-ulan sa Central Java noong Sabado ang sanhi ng malawakang baha.

Ayon kay Indonesian National Disaster Mitigation Agency spokesperson Sutopo Nugroho, ang umiiral na La Niña ang isa sa mga dahilan ng pag-ulan.

Dapat ngayon aniya ay tag-init na sa Indonesia ngunit panay pa rin ang mga pag-ulan.

Published in World

Aabot sa 24-katao ang nasawi habang marami pa ang nawawala matapos ang nangyaring flash flood at landslides sa bansang Indonesia dahil sa patuloy na pag-ulan.

Sa ulat, natabunan ang mga bahay ng mga biktima ng mga gumuhong lupa at putik na rumagasa mula sa bulubunduking sakop ng Central Java.

Sinasabing Sabado pa nakakaranas ng pag-ulan ang nasabing bansa kung saan ilang oras pa ay nagdulot ito ng pagbaha sa Central Java at libu-libong bahay ang nilubog ng tubig-baha.

Sa isang lugar sa Central Java, lima ang nalibing nang buhay nang matabunan ang bahay ng mga ito ng rumagasang putik habang siyam na iba pa ang natabunan habang tumutulong sa pag-aalis sa mga putik at bato sa daanan ng mga motorista.

Sa kasalukuyan ay patuloy ang isinasagawang search and rescue operation ng mga awtoridad para mahanap ang 26 indibidwal na nawawala.

Published in National

Umabot na sa 13 katao ang namatay sa pagguho ng lupa sa northern jade mining region sa Myanmar.

Ayon kay Myo Thet Aung, deputy head ng Hpakant township administration office sa Kachin State, nagkaroon ng pagguho ng lupa nang bumigay ang dalawang pile ng mining debris dahil sa dalawang araw na walang humpay na pag-ulan.

"We recovered 11 bodies last night and two more this morning," ani Aung.

Kasalukuyan namang ginagamot ang 10 minerong sugatan sa isang ospital sa Hpakant.

Nangangamba ngayon ang mga otoridad na tataas pa ang death toll dahil marami pang manggagawa na natabunan ng lupa ang hindi nahahanap.

Ayon sa isang witness, nasa 100 na katao ang nasa lugar nang maganap ang insidente.

Published in World

Pinangangambahang nabaon nang buhay ang may 200 pamilya matapos na matabunan ng lupa sa naganap na landslide dahil sa walang tigil na pag-ulan na nararanasan sa malaking bahagi ng Sri Lanka.

Sa ulat, 35-katao na ang natagpuang patay na pawang mga residente ng maliit na lugar sa bulubunduking Kegalle sa hilagang-silangan ng Colombo.

Nagpadala na ng mga sundalo ang pamahalaan ng Sri Lanka para sapilitang ilikas ang iba pang residente na nakatira sa gilid ng bundok.

Una nang nakapagtala ng 19-katao na nasawi dahil sa masamang panahon sa mga nakalipas na araw kung kaya’t mahigpit ang isinasagawang paglilikas ng mga awtoridad sa mga residente.

Published in World

Broadcast Streaming

Top