JoomlaLock.com All4Share.net

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

HINDI MAIAALIS SA PAGKAKADETINE SA SENADO SI DATING BUREAU OF CUSTOMS (BOC) COMMISSIONER NICANOR FAELDON HANGGA'T WALANG ORDER MULA SA LIDERATO NG SENADO.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI SENATE SERGEANT-AT- ARMS JOSE BALAJADIA NA DAHIL SA IGINIIT NI FAELDON NA HINDI SIYA DADALO SA HEARING NG SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE KAUGNAY SA INIIMBESTIGAHANG TARA SYSTEM AT P6.4 BILLION NA HALAGA NG SHABU SA BOC AY MANANATILING EPEKTIBO ANG ARREST ORDER LABAN DITO.

MUKHANG MAY COMMITMENT DIN ‘YAN. DI BA SINABI NIYA NA HINDI SIYA MAG-A-ATTEND NG HEARING? SO HANGGA'T SA MAG-ATTEND SIYA SIGURO AT SAKA MAGSALITA SIYA, AFTER THAT PWEDE NANG MAG-DECIDE YUNG MGA SENADOR”, ANI BALAJADIA.

AYON PA KAY BALAJADIA, ANG SENADO RIN ANG MAKAKAPAGDESISYON SA PAGLILIPAT KAY FAELDON SA IBANG KULUNGAN.

SA NGAYON, ANG ABOGADO AT MIYEMBRO NG PAMILYA NI FAELDON LAMANG ANG PINAPAYAGAN NG SENADO NA BUMISITA SA SA KAN’YA.

NAUNA RITO, IGINIIT NI FAELDON NA SA KORTE NA LAMANG NIYA SASAGUTIN ANG LAHAT NG MGA KATANUNGAN KAUGNAY SA TARA SYSTEM AT SA NAKAPUSLIT NA ILIGAL NA DROGA SA KAN’YANG DATING TANGGAPAN.

Published in National

Broadcast Streaming

Top