JoomlaLock.com All4Share.net

BY: 8TRIMEDIA NEWS TEAM

NAKIKIPAG-UGNAYAN NA ANG MGA GOBYERNO NG PILIPINAS AT JAPAN PARA SA ISANG DEVELOPMENT ASSISTANCE SA METRO RAIL TRANSIT LINE 3 (MRT-3).

SA DZRJ INSIDER EXCLUSIVE KAPIHAN KANINANG UMAGA, SINABI NI DEPARTMENT OF TRANSPORTATION (DOTR) ASSITANT SECRETARY TJ BATAN NA NAGPAHAYAG NG COMMITMENT ANG PAMAHALAAN NG JAPAN PARA SA ISANG OFFICIAL DEVELOPMENT ASSISTANCE SA PAMAMAGITAN NG JAPAN INTERNATIONAL COOPERATION AGENCY PHILIPPINES (JICA) PARA SA REHABILITASYON AT PAGMAMANTINE NG MRT-3.

AYON PA KAY BATAN, DAHIL SA DADAAN ANG NATURANG AYUDA SA JICA AY KAILANGAN ANG KUMPANYANG MAGMAMANTINE NG NATURANG TREN AY SUSUNOD SA MGA PATAKARAN NITO.

SA NGAYON PATULOY PA ANIYA ANG PAKIKIPAG-UGNAYAN NG GOBYERNO SA SUMITOMO PARA SA PAGMAMANTINE NG MRT-3 UPANG MATIYAK NA MAKASUSUNOD ITO SA MGA PATAKARAN NG JICA.

TINIYAK NAMAN NI BATAN NA TINUTUTUKAN ITO NI DOTR SECRETARY ARTHUR TUGADE PARA MASIMULAN NA ITO SA LALONG MADALING PANAHON.

 

Published in National

By: Melchor Balawas

Naglunsad na ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng inspection sa mga matataas na gusali sa Metro-Manila bilang paghahanda sa sinasabing “The Big One”.

Sa isang panayam sa DZRJ, sinabi ni DILG Sec. Ismael Sueno na nakikipag-ugnayan na sila sa ibat-ibang lokal na pamahalaan lalo na sa Metro-Manila upang siyasatin ang building integrity ng mga matataas na gusali.

Sinabi pa ni Sueno na bagamat kulang na kulang ang mga kagamitan ng gobyerno para sa mga emergency situations tulad ng lindol ay ginagawa parin ng gobyerno ang lahat upang ihanda ang taong bayan kung tatama man ito.

Ang The Big One ay ang sinasabing paggalaw ng West Valley Fault na maaaring magdulot ng magnitude 7.2 na lindol
Tinatahak ng west valley fault ang bahagi ng Dingala, Aurora, Nueva ecija, Bulacan, Rizal at sa Metro-Manila ay ang mga lungsod ng Quezon, Marikina, Pasig, Makati, Parañaque, Taguig at Muntinlupa hanggang sa Cavite at Canlubang Laguna.

Batay sa pag-aaral, aabot ng 57 subdivisions ang nasa sakop ng west valley fault.

Batay din sa isang pag-aaral na pinondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA) kapag tumama ang nasabing lindol ay maaring kumitil mahigit 30,000 na buhay at makasugat ng mahigit 100,000 individuals at sisira ng mahigit 40% na gusali.

Muling gumalaw ang west valley fault noong 1658 o may 357 years na ang nakakalipas at maari raw gumalaw ito muli sa loob ng 400 years.

Batay sa pag-aaral narito ang mga Subdibisyon na nasa west valley fault zones:


Rizal (Rodriguez)
• Amity Ville
• Christine Ville

Marikina
• Loyola Garden Village
• Loyola Subdivision
• Monte Vista Village
• Industrial Valley Subdivision
• Cinco Hermanos Subdivision
• Wood Crest Subdivision

Quezon City
• Sunnyside Heights Subdivision
• Doña Anna Village
• Fil-Heights
• Filinvest Homes II and Villa Amor Uno
• Northview Subd
• Loyola Grand Villas
• White Plains Subdivision
• Queensville Court
• Greenmeadows
• Blue Ridge B

Pasig
• Valle Verde 6
• Valle Verde 5
• Valle Verde
• Valle Verde 3
• Valle Verde 1
• Kawilihan Village

Makati
• East Rembo
• Pembo
• Rizal

Taguig
• Pinagsama
• Pinagsama Phase II
• Pan-Am Village
• North Signal Village
• Central Signal Village
• South Signal Village
• Maharlika Village
• Camp Bagong Diwa

Parañaque
• Posadas Village

Muntinlupa
• Solid Mills Village
• Embassy Village
• Liberty Homes
• Carmina Compounds
• L&B Subdivision and Compound
• UP Side Subdivision
• Country Homes Alabang
• Planas Ville
• Camella Homes Alabang 3
• Country Homes Subd and Jose Marey Subdivision
• Camella Homes
• Susana Heights Village 1
• Susana Heights Subd Phase I
• St Anne Homes
• Real Ville Subdivision

Laguna
• Adelina 1A Subdivision
• GSIS Village
• Elnor Homes
• Sampaguita Village
• United San Pedro Subdivision

Cavite
• Wedgewoods Subdivision


 

 

Published in National

Hihilingin ng susunod na administrasyon sa kongreso na mabigyan ng emergency powers si incoming President Rodrigo Duterte para maresolba ang problema sa trapiko sa Metro Manila.

Ayon kay incoming DOTC Secretary Arthur Tugade, isusulong nila ang emergency powers na tatagal ng dalawang taon.

Sinabi ni Tugade, na kailangan nang mag deklara ng krisis sa trapiko na pinatunayan din ng pag-aaral ng JICA o Japan International Cooperation Agency na nagsasabing bilyun bilyong piso ang nawawala dahil sa matinding trapiko.

Published in National

Broadcast Streaming

Top