JoomlaLock.com All4Share.net

BY: 8TRIMEDIA NEWS TEAM

PINAG-AARALAN NA NG DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) SA POSIBILIDAD NA IPA-REFUND SA SANOFI PASTEUR ANG GINASTOS NG PAMAHALAAAN SA PAGBILI NG ANTI-DEGUE VACCINE NA DENGVAXIA.

ITO AY KASUNOD NG PAGPAPAHINTO NG NATURANG VACCINATION PROGRAM MATAPOS NA MABUNYAG NA POSIBLENG MAY SEVERE EFFECT ITO SA MGA BATANG DENGUE-FREE NA NATURUKAN NITO.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI DOH SECRETARY FRANCISCO DUQUE III NA ISA ITO SA MGA OPSYON NA KANILANG TINITINGNAN PARA MAPROTEKSYUNAN ANG INTERES NG GOBYERNO.

AYON PA KAY DUQUE, HINIHINTAY NA LAMANG NILA NGAYON ANG ADVISORY MULA SA WORLD HEALTH ORGANIZATION (WHO) HINGIL SA USAPIN NA NAKATAKDA NAMANG ILABAS SA DECEMBER 12.

SAMANTALA, NILINAW NAMAN NG KALIHIM NA WALA PANG NABEBERIPIKANG KASO NA NAMATAY SA DENGUE MATAPOS NA MATURUKAN NG DENGVAXIA.

PATULOY NAMAN SILANG KUMALAP NG IMPORMASYON HINGGIL DITO UPANG MATIYAK MAAGAPAN ANG SINUMANG NAGKASAKIT DAHIL SA NATURANG BAKUNA.

Published in National

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

IPINAG-UTOS NA NI DEPARTMENT OF HEALTH O DOH SECRETARY FRANCISCO DUQUE III SA LAHAT NG HEALTHCARE PROVIDERS SA BANSA ANG PAGPAPAHINTO SA PAGGAMIT NG DENGUE VACCINE NA DENGVAXIA.

ITO ANG INIHAYAG NI DUQUE SA DZRJ, MATAPOS MAGPALABAS ANG PHARMACEUTICAL COMPANY NA SANOFI PASTEUR NA POSIBLENG MAKARANAS NG MASAMANG EPEKTO SA KATAWAN ANG NATURUKAN NG NATURANG BAKUNA.

AYON PA KAY DUQUE, HIHINGI RIN ANG DOH NG KARAGDAGANG DETALYE HINGGIL SA SEVERE REACTION NG VACCINE UPANG MAS MAIPALIWANAG NG MABUTI ANG NATURANG USAPIN SA PUBLIKO.

BATAY KASI SA ABISO NG SANOFI PASTEUR, BAGAMA'T NAGBIBIGAY "PERSISTENT PROTECTIVE BENEFITS” ANG DENGVAXIA SA MGA NAGKA- DENGUE NA AY POSIBLE NAMAN MAKARANAS NG MAS MARAMING KASO NG “SEVERE DISEASE” ANG MGA NATURUKAN NA HINDI PA NAMAN NAGKAKAROON NG DENGUE VIRUS.

SA NGAYON, PUPULUNGIN NA NG DOH DENGUE TECHNICAL AND MANAGEMENT COMMITTEE ANG ISANG EXPERT PANEL UPANG TUKUYIN ANG MGA HAKBANG NA DAPAT NILANG GAWIN.

DAGDAG PA NG KALIHIM, PRAYORIDAD NILA ANG KALIGTASAN NG MGA BATANG NABAKUNAHAN NA NG DENGVAXIA, AT MAGSASAGAWA RIN SILA NG SURVEILLANCE SA MGA NATURUKAN NITO NA HINDI PA NAGKAKAROON NG DENGUE FEVER.

Published in National

BY: JOJO SICAT

TINITIYAK NI SENATE MAJORITY LEADER VICENTE TITO SOTTO III NA MAGIGING PATAS ANG MAKAPANGYARIHANG COMMISSION ON APPOINTMENTS KAY DEPARTMENT OF HEALTH SECRETARY-DESIGNATE FRANCISCO DUQUE III KAHIT PA NAGSILBI NA ITONG KALIHIM NG NATURANG SANGAY NOON.

AYON KAY SOTTO, DEDEPENDE PA RIN SA MGA ISASAGOT NI DUQUE SA MGA KATANUNGAN NG CA KUNG ITO AY MAKAKALUSOT SA PWESTO.

BABALA NG MAJORITY LEADER, KUNG SI DUQUE ANIYA AY PAPABOR SA PAGGAMIT NG MEDICAL MARIJUANA AY MAS MAKABUBUTING KALIMUTAN NA NIYA ANG PAGIGING KALIHIM TIYAK NA HINDI ITO MAKAKALUSOT SA KUMPIRMASYON NG CA.

SAMANTALA, NANINIWALA NAMAN SI SEN. JOSEPH VICTOR EJERCITO NA HINDI MAHIHIRAPANG MAKALUSOT SA CA SI DUQUE.

GIIT NI EJERCITO, SI DUQUE AY ISANG DISENTENG TAO NA MAY MATAAS NA INTEGRIDAD AT KREDIBILIDAD.

MAGUGUNITANG NAGSILBI SI DUQUE BILANG DOH SECRETARY NOONG PANAHON NI DATING PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO NOONG MGA TAONG 2005 HANGGANG 2009.

Published in National

Broadcast Streaming

Top