JoomlaLock.com All4Share.net

BY: FELIX TAMBONGCO

MULING MAGKAKAROON NG PAGKAKATAON NA MATALAKAY NG MGA MAMBABATAS NA KABILANG SA ASSOCIATION OF SOUTH EAST ASEAN NATION ANG PROBLEMA SA TERORISMO AT ILIGAL NA DROGA SA GAGANAPING 38TH ASEAN INTER-PARLIAMENTARY ASSEMBLY (AIPA) SA SEPTEMBER 14 HANGGANG 20, 2017 SA LUNGSOD NG MAKATI.

ITO ANG IKA-TATLO AT CULMINATING EVENT NG AIPA NA ANG NAGHO-HOST AY ANG KONGRESO NG PILIPINAS SA PANGUNGUNA NI AIPA PRESIDENT SPEAKER PANTALEON ALVAREZ.

ANG PHILIPPINE CONGRESS DIN ANG NAG-HOST NG AIPA INTERFACE NOONG NAKARAANG ABRIL AT NG AIPA FACT-FINDING COMMITTEE (AIFOCOM) NOONG JULY NA NAGLALAYONG LABANAN ANG PROBLEMA NG DROGA SA ASEAN REGION.

AYON KAY DEPUTY SPEAKER AT ISA SA KASAPI NG EXECOM NG TASKFORCE AIPA RANEO ABU, MAAARING MATALAKAY SA AIPA GENERAL ASSEMBLY ANG SMUGGLING NG DROGA MULA SA TSINA DAHIL SA OBSERBASYON NA KARAMIHAN SA ILIGAL NA DROGA SA BANSA AY NAGMULA SA TSINA TULAD NG P6.4 BILYONG SHABU SHIPMENT.

ANG PAGTALAKAY UMANO NITO AY MAAARING HUMANTONG SA PAGTUTULUNGAN NG PILIPINAS AT TSINA PARA MA-CONTROL ANG DRUG SMUGGLING AT TRAFFICKING.

AYON PA KAY ABU, MAHALAGA AMANO ANG INFORMATION SHARING SA PAGLABAN SA ILLEGAL DRUGS SA ASEAN REGION, KATUNAYAN MAY MGA BANSA NA LUMAGDA NA NG BILATERAL AGREEMENT TULAD NG BORDER SECURITY AGREEMENT SA PAGITAN NG MYANMAR AT THAILAND.

KASAMA RIN SA TATALAKAYIN AY ANG PATULOY NA BANTA NG TERORISMO SA REHIYON.

SAMANTALA, INAASAHANG DADALO SA 38TH AIPA GENERAL ASSEMBLY AY ANG MGA MAMBABATAS MULA SA BANSANG BRUNEI DARUSSALAM, CAMBODIA, INDONESIA, LAOS PEOPLES DEMOCRATIC REPUBLIC, MALAYSIA, MYANMAR, PILIPINAS, THAILAND, SINGAPORE AT VIETNAM.

Published in World
Thursday, 06 July 2017 18:15

PANDA, PINAKACUTE NA PEACEMAKER NG TSINA

BY: KIMBERLY SABANGAN | 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

NANGAKO SI GERMAN CHANCELLOR ANGELA MERKEL NA WELCOME SA BERLIN ANG BAGONG 'SPECIAL ENVOYS' NG CHINA. 

ITO AY MATAPOS NA PORMAL NA IBIGAY NG TSINA SA GERMANY ANG DALAWANG PANDAS PARA SA MAS MAAYOS AT MAS MATIBAY NA PAGKAKAIBIGAN NG DALAWANG BANSA. 

PINANGALANAN SILA BILANG MENG MENG AT JIAO QING.

"I THINK THAT THIS EVENT TODAY IS A SYMBOL OF THE RELATIONSHIP BETWEEN OUR TWO COUNTRIES," AYON KAY MERKEL.

 "EVERYTHING WILL BE DONE TO MAKE SURE THAT THEY FEEL COMFORTABLE HERE" DAGDAG PA NITO. 

MAGUGUNITANG TAONG 1950 AY GINAGAMIT NA NG TSINA ANG MGA PANDA NITO PARA BUMUO NG MATIBAY NA PUNDASYONG PAMPULITIKAL SA IBA’T IBANG PANIG NG MUNDO.

NOONG 1980 NANG MAGSIMULANG MAGBIGAY ANG TSINA NG PANDA BILANG REGALONG PANGDIPLOMASYA SA IBA'T IBANG BANSA GAYA NG US, FRANCE, JAPAN, UK AT IBA PA. 

TAONG 1984 NAMAN NG PRESYUHAN ANG MGA PANDA NA NAGKAKAHALAGA NG $1 MILYONG DOLYAR. 

LAHAT NG MGA PANDA NA IPINAPANGANAK ABROAD AY NASA PAGMAMAY-ARI PA RIN NG TSINA. (BBC)

 

Published in World

BY: 8TRIMEDIA NEWS TEAM

SA KABILA NG KAGULUHAN SA MARAWI CITY DAHIL SA PAG-ATAKE NG ISIS-MAUTE GROUP, TULOY-TULOY PA RIN ANG PAGDATING NG MGA TURISTA SA BORACAY ISLAND.

SA KATUNAYAN AYON KAY RAFFY COOPER, MARKETING OFFICER NG BORACAY FOUNDATION INCORPORATED, AY NAABOT NA NILA ANG TARGET NA 1 MILLION TOURIST ARRIVAL NGAYONG BUWAN.

PINAKAMARAMI ANIYA SA MGA TURISTANG NAGBABAKASYON SA ISLA AY MULA CHINA AT SOUTH KOREA.

AYON PA KAY COOPER, BAGAMAT MAY MGA NAG-CANCEL NG BOOKING AY NANANATILI NAMAN ANIYANG MASIGLA ANG TURISMO NG ISLA.

NAGPAPATUPAD NAMAN NG MAHIGPIT NA SEGURIDAD ANG LOCAL POLICE SA ISLA UPANG MATIYAK ANG SEGURIDAD NG MGA TURISTA.

Published in National

By: 8 TriMedia News Team 

HINDI MAGSUSULONG NG PANUKALANG BATAS HINGGIL SA PAGBABAWAL NG UNLI O UNLIMITED RICE PROMO SA MGA KAINAN SI SEN. CYTHIA VILLAR.

ITO ANG NILINAW NG SENADORA MATAPOS LUMABAS ANG ULAT NA NAIS NIYANG IPAGBAWAL ANG NATURANG PROMO SA PAGDINIG NG SENATE COMMITTEE ON AGRICULTURE HINGGIL SA RICE IMPORTATION POLICY NG GOBYERNO KAHAPON.

AYON PA KAY VILLAR, HEALTH ADVISE LAMANG DAW ITO SA MGA PILIPINO DAHIL POSIBLENG MAGDULOT NG DIABETES ANG SOBRA-SOBRANG PAGKAIN NG BIGAS.

PAYO PA NG MAMBABATAS, MAS MAINAM ANIYA NA KUMAIN NG MAS MARAMING GULAY TULAD NG MGA MAMAMAYAN NG JAPAN AT CHINA.

BATAY SA PAG-AARAL, TINATAYANG AABOT SA 23 MILYONG PISONG HALAGA NG BIGAS ANG NAWAWALA DAHIL SA MGA NASASAYANG NA KANIN NA HINDI NAMAN NAUUBOS SA MGA KAINAN.

Published in National

By: 8 TriMedia News Team

HINDI DAPAT MABAHALA ang Pilipinas sa banta ng China na giyera kung igigiit ang karapatan sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Sa panayam sa DZRJ, sinabi ni dating National Security Adviser Roilo Golez na naniniwala siyang isang bluff lamang ang naturang banta ng China dahil malaki ang magiging epekto ng giyera sa kanilang ekonomiya, imahe at posible rin sa kanilang sandatahang lakas.

Paliwanag pa ni Golez, dahil sa mga consequences ng panggigiyera ay hindi basta-basta manunugod ang China nang walang probokasyon para mapanatili ang magandang international image nito.

Ikokonsidera rin daw ng China ang posibleng pagtulong ng Amerika sa Pilipinas dahil sa umiiral na Mutual Defense Treaty sa pagitan dalawang bansa.

Published in National
Page 1 of 13

Broadcast Streaming

Top