JoomlaLock.com All4Share.net

BY: FELIX TAMBONGCO

MULING MAGKAKAROON NG PAGKAKATAON NA MATALAKAY NG MGA MAMBABATAS NA KABILANG SA ASSOCIATION OF SOUTH EAST ASEAN NATION ANG PROBLEMA SA TERORISMO AT ILIGAL NA DROGA SA GAGANAPING 38TH ASEAN INTER-PARLIAMENTARY ASSEMBLY (AIPA) SA SEPTEMBER 14 HANGGANG 20, 2017 SA LUNGSOD NG MAKATI.

ITO ANG IKA-TATLO AT CULMINATING EVENT NG AIPA NA ANG NAGHO-HOST AY ANG KONGRESO NG PILIPINAS SA PANGUNGUNA NI AIPA PRESIDENT SPEAKER PANTALEON ALVAREZ.

ANG PHILIPPINE CONGRESS DIN ANG NAG-HOST NG AIPA INTERFACE NOONG NAKARAANG ABRIL AT NG AIPA FACT-FINDING COMMITTEE (AIFOCOM) NOONG JULY NA NAGLALAYONG LABANAN ANG PROBLEMA NG DROGA SA ASEAN REGION.

AYON KAY DEPUTY SPEAKER AT ISA SA KASAPI NG EXECOM NG TASKFORCE AIPA RANEO ABU, MAAARING MATALAKAY SA AIPA GENERAL ASSEMBLY ANG SMUGGLING NG DROGA MULA SA TSINA DAHIL SA OBSERBASYON NA KARAMIHAN SA ILIGAL NA DROGA SA BANSA AY NAGMULA SA TSINA TULAD NG P6.4 BILYONG SHABU SHIPMENT.

ANG PAGTALAKAY UMANO NITO AY MAAARING HUMANTONG SA PAGTUTULUNGAN NG PILIPINAS AT TSINA PARA MA-CONTROL ANG DRUG SMUGGLING AT TRAFFICKING.

AYON PA KAY ABU, MAHALAGA AMANO ANG INFORMATION SHARING SA PAGLABAN SA ILLEGAL DRUGS SA ASEAN REGION, KATUNAYAN MAY MGA BANSA NA LUMAGDA NA NG BILATERAL AGREEMENT TULAD NG BORDER SECURITY AGREEMENT SA PAGITAN NG MYANMAR AT THAILAND.

KASAMA RIN SA TATALAKAYIN AY ANG PATULOY NA BANTA NG TERORISMO SA REHIYON.

SAMANTALA, INAASAHANG DADALO SA 38TH AIPA GENERAL ASSEMBLY AY ANG MGA MAMBABATAS MULA SA BANSANG BRUNEI DARUSSALAM, CAMBODIA, INDONESIA, LAOS PEOPLES DEMOCRATIC REPUBLIC, MALAYSIA, MYANMAR, PILIPINAS, THAILAND, SINGAPORE AT VIETNAM.

Published in World

BY: FELIX TAMBONGCO

NAGPAABOT NG KANYANG PASASALAMAT SI HOUSE SPEAKER PANTALEON ALVAREZ SA MGA MAMBABATAS AT SA LAHAT NG NAGING KATUWANG SA MATAGUMPAY NA PAGDARAOS NG IKA-13 MEETING NG  ASEAN INTER-PARLIAMENTARY ASSEMBLY(AIPA) FACT FINDING COMMITTEE (AIFOCOM), PARA LABANAN ANG LUMALALANG PROBLEMA  SA DROGA SA ASEAN REGION.

AYON KAY ALVAREZ, KINIKILALA NILA ANG MULTO NG ILIGAL NA DROGA NA NAGSISILBING BANTA SA REHIYON SA IBAT IBANG ANYO TULAD NG HEALTH DISORDERS AT LOSS IN PRODUCTIVITY, TUNGO SA PAGLALA NG KRIMINALIDAD AT PAGBAGAL NG KAUNLARAN.

SINABI PA NG SPEAKER NA ANG ULAT NG  UNITED NATIONS OFFICE ON DRUGS AND CRIME (UNODC), ASEAN SENIOR OFFICIALS ON DRUG MATTERS (ASOD), AT ANG INDIBIDWAL NA BANSA AY NAGBIGAY NG MAS MALINAW NA LARAWAN SA EPEKTONG LIKHA NG DROGA.

BINANGGIT RIN NITO ANG DALAWANG PANGUNAHING MAJOR ACCOMPLISHMENT SA GINANAP NA MEETING, UNA AY ANG PAG-APRUBA SA DRAFT RESOLUTION NA NAGTATRANSPORMA SA RANSFORMING THE AIPA FACT-FINDING COMMITTEE TUNGO SA PAGIGING AIPA ADVISORY COUNCIL ON DANGEROUS DRUGS (AIPACOD) AT ANG PAGPAPALAKAS NG MANDATO BILANG PARLIAMENTARY TOOL PARA LABANAN ANG MAPANGANIB NA DROGA.

IKALAWA AY ANG PAG-APRUBA SA RESOLUSYON NA MAY TEMANG  “FORGING INCLUSIVE PARTNERSHIP TOWARDS A DRUG-FREE ASEAN COMMUNITY.”

TINURAN PA NITO NA ANG PAGTATAYO NG AIPACOD AY MAGPAPALAKAS NG KONSEPTO NG KOOPERASYON AT ITO UMANO ANG TAMANG TUGON SA PANGANGAILANGAN NG TAMANG PLATAPORMA PARA SA KOORDINADONG PARLIAMENTARY ACTION NG BUONG REHIYON SA MAHAHALAGANG USAPIN.

SINABI PA NI ALVAREZ NA DAPAT BIGYAN NG DIIN ANG ADYENDA NG AIPACOD SA DARATING NA SEPTEMBER 2017 AIPA GENERAL ASSEMBLY.

Published in National

BY: FELIX TAMBONGCO

TATALAKAYIN BUKAS, JULY 6, NG MGA MIYEMBRO NG  ASEAN INTER-PARLIAMENTARY ASSEMBLY (AIPA) FACT FINDING COMMITTEE ANG DALAWANG MAHALAGANG RESOLUSYON PARA LABANAN ANG LUMALALANG PROBLEMA SA REHIYON.

BAHAGI ITO NG 13TH AIPA ASSEMBLY NA GINAGANAP SA CONRAD HOTEL SA LUNGSOD NG PASAY NA NAGSIMULA NOONG JULY 4 AT MAGTATAPOS SA JULY 8.

AYON KAY SURIGAO REP. ROBERT ACE BARBERS, CHAIRMAN NG HOUSE COMMITTEE ON DANGEROUS DRUGS, ANG UNANG RESOLUSYON NA NAKATAKDANG PAGTIBAYIN AY NANANAWAGAN PARA SA INCLUSIVE PARTNERSHIP SA PAGKAMIT NG DRUG-FREE ASEAN COMMUNITY NA KINIKILALA NG AIPA NA NANGANGAILANGAN NG HOLISTIC APPROACH.

KINIKILALA RIN NG AIPA ANG PANGANGAILANGAN NG SUPORTA AT KOOPERASYON HINDI LAMANG NG NATAIONAL GOVERNMENT AT MGA LAW ENFORCEMENT AGENCY KUNDI MAGING NG PRIVATE SECTOR, NON-GOVERNMENT AT CIVIL SOCIETY ORGANIZATIONS, AT LOCAL COMMUNITIES.

ANG PAGLABAN RIN SA ILEGAL NA DROGA AY NANGANGAHULUGAN NG PAGKAKAROON NG  LEGAL NA SUPORTA NG MGA KASAPING BANSA AT BAHAGINAN NG INTELLIGENCE INFORMATION, INVESTIGATIONS AT JOINT OPERATIONS LABAN SA ILIGAL NA DROGA GANUN DIN ANG PAGLIKHA NG BATAS O PAG AMYENDA NG BATAS KONTRA DROGA.

ANG IKALAWANG RESOLUSYON NAMAN AY NANANAWAGAN NA ITRANSPORMA ANG AIFOCOM SA PAGIGING AIPA ADVISORY COUNCIL ON DANGEROUS DRUGS (AIPACODD) AT PAGPAPALAKAS NG TUNGKULIN AT MANDATO BILANG PARLIAMENTARY TOOL PARA LABANAN ANG ILIGAL NA DROGA. 

ANG AIPCODD AY MAGSISILBING SENTRO PARA I-REVIEW ANG MGA UMIIRAL NA BATAS GANUN DIN ANG IMPLENTASYON NITO SA ASEAN COUNTRY.

ANG 10 BANSA NA KASAPI NG AIPA AY ANG BRUNEI DARUSSALAM, CAMBODIA, INDONESIA, LAO PDR, MALAYSIA, MYANMAR, PHILIPPINES, SINGAPORE, THAILAND AT VIETNAM.

Published in National

Broadcast Streaming

Top