JoomlaLock.com All4Share.net

Stock Market

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

Umabot sa 221.64 points ang itinaas ng daily gain ng Philippine Stock Exchange (PSE), araw ng Miyerkules, na may katumbas na 3.09 percent. Ang naitalang 7,396.52 kahapon ay ang pinakamataas na naitalang antas simula pa noong Agosto 2015.

Sinasabing posibleng naging malaking ambag sa magandang lagay ng stock market ang maayos na sistema at resulta ng halalan noong Lunes.

Kabilang kasi sa mga tumutok ang mga negosyante sa resulta ng halalan dahil inaasahang malaki ang magiging epekto sa kalakalan kung sino ang maidedeklarang susunod na pinuno ng bansa.

Ito rin ang kanilang batayan ng magiging lagay ng ekonomiya sa mga susunod pang taon.

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

Muling lumakas ang piso kontra dolyar isang araw matapos ang national at local elections.

Nagsara kahapon ang palitan sa P46.75 kumpara sa P47.08 kada US dollar noong Biyernes.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), kadalasang walang negatibong epekto sa kalakalan kung mayroong malinis at makatotohanang halalan.

Samantala, lumobo sa 824.65 million dollars ang halaga ng volume of trade sa pagsasara ng sesyon ng Philippine Stock Exchange kahapon kumpara sa 725 million dollars sa nakalipas na session.