JoomlaLock.com All4Share.net

Business Tech

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

Ipinag-utos na ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang total ban ng Samsung Galaxy Note 7 sa loob ng mga airports at biyahe ng eroplano sa bansa.

Sa inilabas na Memorandum Circular No. 34-16 na ipinalabas ng CAAP noong October 13, nakasaad na mahigpit nang ipinagbabawal ang pagdadala o paggamit ng Samsung Galaxy Note 7 sa mga paliparan at sa lahat ng mga biyahe ng eroplano, maging sa cargo flights.

Inabisuhan din ng CAAP ang lahat ng operators na mahigpit na ipatupad ang naturang memorandum circular.

Una nang nag-abiso ang Philippine Airlines at Cebu Pacific sa lahat ng mga pasahero na bawal na ang paggamit at pagdadala ng naturang smartphone device sa lahat ng kanilang flights.

Ang utos ay nag-ugat dahil sa patuloy na pagkakaroon ng mga kaso ng pagkasunog ng Galaxy Note 7 habang naka-charge.

700MHz CELL SITE, BINUKSAN NA NG GLOBE

Rate this item
(0 votes)

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

Isang linggo matapos maisara ang deal para sa pagbili sa bahagi ng telecommunicatrion business, pati ang radio frequencies ng San Miguel Corporation, binukasan na ng Globe Telecom noong Lunes ang unang cell site nito na may 700MHz frequency.

Sa pamamagitan GlobeICON Facebook post nito, inihayag ng mga opisyal ng Globe na nai-demonstrate na nila ang nasabing cell site sa mga opisyal ng National Telecommunications Commission (NTC).

Ipinakita rin nila ang speedtest na kanilang isinagawa sa paligid ng cell site kung saan nagregister ito ng 100.32 Mbps.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay inaprubahan ng NTC ang paggamit ng Globe sa mga frequency na 703 to 720.5 and 758 to 775.5 MHz.

Nabili naman ng Globe at Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT) ang assets ng SMC, kasabay ng pangako nitong mas pagbubutihin pa nila ang pagpapabilis ng mobile internet sa bansa.