JoomlaLock.com All4Share.net
Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

SINAMPAHAN NA NG ETHICS COMPLAINT NI SEN. ANTONIO TRILLANES SI SEN. RICHARD GORDON DAHIL SA MGA SINABI AT MGA IKINILOS NITO SA GINAGAWANG PAGDINIG NG SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE KAUGNAY SA IMBESTIGASYONG GINAGAWA SA NAKAPUSLIT NA 6.4 BILYONG PISONG HALAGA NG SHABU SA BUREAU OF CUSTOMS (BOC).

SA 27 PAHINANG REKLAMO, IGINIIT NI SEN. TRILLANES HINDI AKMA SA ISANG SENADOR ANG GINAWA NI GORDON NA NAME-CALLING NA NAGING RESULTA NG MAINITANG PAGTATALO SA PAGDINIG NA ISINAGAWA NOONG AGOSTO 1-31.

MALIBAN UMANO SA PAG-AKUSA NI SEN. GORDON NA GINAGAWA NI TRILLANES NA ‘COCKPIT OF TSISMIS’ ANG SENADO, MAG-ISA UMANO NA IDINEKLARA NI GORDON NA OUT OF ORDER SI SEN. TRILLANES NANG WALA MAN LAMANG KARAMPATANG MOSYON PARA DITO AT SAKA SINUSPINDE ANG SESYON.

MALIBAN SA UNETHICAL UMANO ITONG GINAWA NI GORDON AT PAGLABAG SA SEC 93 AT 94 NG RULES OF THE SENATE, MAITUTURING ITONG SLANDER O ORAL DEFAMATION NA PINAPARUSAHAN NG ART 358 NG REVISED PENAL CODE.

HINDI PA KABILANG DITO ANG PAGLABAG NI GORDON SA RULES ON PARLIAMENTARY PROCEDURE KUNG SAAN ITINATAKDA NA DAPAT HINAYAAN NI GORDON NA IBA ANG MAGPRESIDE SA PROCEEDING KUNG GUSTO NITO NA MAKIPAGDEBATE O MAKIPAG ARGUMENTO SA ISA PANG MIYEMBRO.

IDINAGDAG PA NI TRILLANES, BILANG ABUGADO, NILABAG NI GORDON ANG RA 6713 O ANG CODE OF CONDUCT AND ETHICAL STANDARDS FOR PUBLIC OFFICIALS AND EMPLOYEES AT ANG LAWYERS CODE OF PROFESSIONAL RESPONSIBILITY.

 

 

 

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

WELCOME PARA KAY SENADOR FRANCIS CHIZ ESCUDERO KUNG SAKALING MULING BUKSAN ANG PAGDINIG SA SENADO SA KONTROBERSYAL NA PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND (PDAF).

AYON KAY ESCUDERO KUNG SAKALING BIBIGYAN ANG SENADO NG KOPYA NI DEPARTMENT OF JUSTICE (DOJ) SECRETARY VITALIANO AGUIRRE NG MGA HAWAK NITONG EBIDENSYA AT MGA PANIBAGONG AFFIDAVIT NI PDAF SCAM QUEEN JANET LIM NAPOLES HINDI ITO TUTOL SA MULING PAGBUBUKAS NG IMBESTIGASYON.

AMINADO SI ESCUDERO NA HALOS WALA PA SA KALAHATI NG BILYON BILYON PISONG HALAGA NG PDAF SCAM ANG NATALAKAY SA PAGDINIG SA SENADO NOON NA NAGING SANHI NG NG PAGKAKAPIIT NILA DATING SENADOR JUAN PONCE ENRILE, JINGGOY ESTRADA AT RAMON BONG REVILLA JR.

SUBALIT PABOR DIN SI ESCUDERO NA TAPUSIN MUNA NG DOJ ANG ISINAGAWANG IMBESTIGASYON BAGO MAGSAGAWA NG PAGDINIG ANG SENADO.

AMINADO SI ESCUDERO NA KUNG HINDI MAIBIBIGAY NG DOJ ANG MGA NATURANG DOKUMENTO SA SENADO MAHIHIRAPAN ANG SENADO SA PAGDINIG DAHIL NARIN SA MGA BAGONG PAHAYAG NI NAPOLES NA TANGING MAY HAWAK NG AFFIDAVIT NITO AY ANG DOJ.

Thursday, 19 October 2017 16:54

HINDI PABA KAYO SANAY SA PANGULO- CHIZ

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

HINDI PABA KAYO SANAY SA MGA BINIBITAWANG SALITA NG PANGULO?

ITO ANG NAGING SAGOT NI SENADOR FRANCIS CHIZ ESCUDERO SA MGA MULING PAGBATIKOS NG MGA KRITIKO NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE SA PAGSASABI NA HINDI ITO TATANGGAP NG TULONG MULA SA UNITED NATIONS AT SA EUROPEAN UNION.

AYON KAY ESCUDERO DAPAT MASANAY NA ANG PUBLIKO SA MGA NEGATIBONG PAHAYAG NG PANGULO LALO NA KAPAG NAGLALABAS ITO NG SENTIMIYENTO.

ISA SA INIHALIMBAWA NG SENADOR ANG PAHAYAG NG PANGULO NA HINDI ITO TATANGGAP NG TULONG MULA SA GOBYERNO NG ESTADOS UNIDOS MAS NANAISIN ANIYA NA TANGGAPIN ANG TULONG NG CHINA AT RUSSIA.

SUBALIT IPINUNTO NI ESCUDERO ANG MARAWI CITY KUNG SAAN NAGBIGAY NG TULONG ANG US NA HINDI NAMAN TINANGGIHAN NG PANGULO.

PANGALAWA ANIYA SINABI NG PANGULO NA PAALISIN NITO ANG MGA AMBASSADOR NG EUROPA PERO WALA NAMAN GINAGAWA ANG DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS (DFA).

SA HALIP SINABI NI ESCUDERO NAGPALIWANAG PA ANG MGA AMBASSADOR NA WALA SILANG ALAM SA GINAWANG PAGBISITA NG MGA PARLIAMENT SA IBAT IBANG BANSA SA EUROPA AT HINDI ANIYA IYON REPRESENTATIVE NG KANILANG MGA BANSA.

PALIWANAG NI ESCUDERO HINDI NATIN ALAM ANG INISISIP NG PANGULO NA BAKA MAS EPEKTIBO ANG PAGBANAT NITO DAHIL SA HALIP NA MAGALIT MAS LALO PA TAYONG TINUTULUNGAN AT NAGPAPALIWANAG ANG MGA MALALAKING BANSA SA ISANG MALIIT NA BANSA TULAD NG PILIPINAS.

PAYO NAMAN NI ESCUDERO SA PANGULO NA DAPAT DIN NA MASANAY ANG PRESIDENTE NA LAHAT NG SINASABI NITO SA PUBLIKO AY NAPAPAKINGGAN NG SAMBAYANANG FILIPINO AT NG IBAYONG DAGAT.

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

BILANG ISANG ABUGADO AT MAMBABATAS NANINIWALA SI SENADOR FRANCIS CHIZ ESCUDERO NA MAHAHARAP SA KASONG OBSTRUCTION OF JUSTICE AT ACCESSORY TO THE CRIME ANG MGA ILANG SENIOR BROD NG AEGIS JURIS FRATERNITY.

ITO ANG NAGING REAKSYON NI ESCUDERO MATAPOS NA MAPAG-ALAMAN SA PAGDINIG KAHAPON NG SENADO ANG GINAWANG PAGTATAKIP SA KRIMEN O COVER UP NG ILANG SENIOR BROD O ABUGADO NA BASE SA KANILANG CONVERSATION SA FACEBOOK CHAT .

ANIYA MALINAW NA MAHAHARAP SA MGA NABANGGIT NA KASO ANG MGA SENIOR BROD, ABUGADO AT ANG MGA TUMULONG PARA PAGTAKPAN ANG KRIMEN SA PAGKAKAPASLANG KAY UST LAW STUDENT HORACIO CASTILLO III SA PAMAMAGITAN NG HAZING.

SINABI NI ESCUDERO SAKALING MAKALUSOT MAN ANG MGA MAGULANG NG MGA SANGKOT SA HAZING SA KASONG ACCESSORY TO THE CRIME DAHIL MAY EXEMPTION SA BATAS ANG MGA KAANAK.

IGINIIT NG SENADOR NA HINDI NAMAN MAKAKALUSOT ANG MGA ITO SA KASONG OBSTRUCTION OF JUSTICE DAHIL SA GINAWANG PAGTULONG NA PAGTAKPAN ANG KRIMEN NG KANILANG ANAK O KAANAK .

Thursday, 19 October 2017 16:41

CHIZ BINATIKOS ANG UST SA ATIO SLAY CASE

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

BY: JOJO SICAT

BINATIKOS NI SENADOR FRANCIS CHIZ ESCUDERO ANG UNIVERSITY OF SANTO TOMAS (UST) DAHIL SA KAWALAN NG PAKIALAM SA KASO NG PAGKASAWI NG KANILANG LAW STUDENT NA SI HORACIO CASTILLO III NG DAHIL SA HAZING.

LABIS ANG PAGKADISMAYA NI ESCUDERO SA UST NA PARA ANIYANG WALA PAKI-ALAM SA PAGKAMATAY NG ISA NITONG FRESHMAN LAW STUDENT.

SINABI NI ESCUDERO NA ISA PA NAMAN ANIYANG RELIGOUS UNIVERSITY ANG UST NA DAPAT AY NANGUNGUNA SA PAGBIBIGAY NG TAMA AT MAGANDANG EHEMPLO SA MGA ESTUDYANTE NILA.

NAPUNA RIN NI ESCUDERO NA MALIBAN SA MGA OPISYAL NG UST FACULTY OF CIVIL LAW AY WALA MAN LANG MGA OPISYAL NG UST MISMO ANG TUMATAYO AT NAGSASALITA UKOL SA NANGYARI.

ANIYA HANGGANG SA NGAYON AY WALA DING NAKIKITA SI ESCUDERO NA KONGKRETONG HAKBANG NA GINAGAWA NG UST PARA TUMULONG NA MABIGYAN NG HUSTISYA SI ATIO.

Page 1 of 1374