JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
MGA CARTEL SA ENERGY AT TELCOS, BINALAAN NI DUTERTE

Malaking hamon ngayon sa mga energy at telecommnunication cartels ang plano ni incoming President Rodrigo Duterte na ibigay ito sa mga foreign players.

Hinamon ni presumptive President Rodrigo Duterte ang mga energy at telecommnunication cartels na ibibigay niya sa sa mga foreign players ang nasabing serbisyo.

Ayon kay Duterte, kung hindi mag-improve ang mahina na serbisyo, bubuksan niya ito sa mga international players sa pamamagitan ng pagpasok sa isang kasunduan sa mga telecommunication companies.

Sinabi rin ni Duterte na gagawa ito ng patakaran upang mapabilis ng mga provider ang internet speed ng bansa na kinikilalang pinakamahina sa buong Asya.

Kung hindi umano ito masunod at wala pa ring pagbabago sa serbisyo, ito na umano ang panahon upang buksan ito para sa foreign competition.

Maliban sa telecommunication companies gagawin din ito ni Duterte para sa energy sector kung saan posibleng bubuksan din umano nito ang industriya sa enerhiya sa mga foreign investors.

Layunin nito upang mapataas ang kalidad ng serbisyo at mapababa ang bayarin sa koryente na siya ring pinakataas sa buong Asya.

Maliban dito, nais rin ng presumptive president na gumamit ng renewable energy gaya ng solar panels na pinakamura ngunit makabubuti naman ang serbisyo sa suplay sa koryente.

Read 115 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.