JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
SAN MIGUEL CORP. MAGTATAYO NG INDUSTRIAL ESTATES

Lima pang power plants sa bansa at tatlong industrial estates sa Mindanao ang balak itayo ng San Miguel Corporation.

Ang halaga ng mga power plant ay papalo sa $4.2 Billion o P194 Billion at ang magiging kapasidad nito ay aabot sa 2,100 megawatts.

Ayon sa Presidente ng San Miguel na si Ramon Ang, tatlo sa limang power plants ay ilalagay sa Mindanao industrial estates na itatayo sa 2,000-ektaryang lupain.

Ang tatlong 3,000-megawatt power plants nga ay sinasabing magkakahalaga ng $1.8 Billion bawat isa.

Pagdidiin ni Ang, nine-negotiate na nila ang tatlong industrial estates na kalalagyan ng mga ito sa mga landowner. Imbes na bilhin ang mga lupa, tinutulungan na lang nila ang mga landowner na magkaroon ng long-term lease para mas lalong sumigla ang kanilang kita.

Ang bawat industrial estate ay inaasahan ding kikilalanin ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na makatutulong sa may 1,000 pamilya para sa kanilang kabuhayan.

Ayon pa kay Ang, ang dalawa naman sa plantang ito ay magiging coal-fired at ilalagay sa mga lalawigan ng Quezon at Bataan na aabot naman sa halagang $2.4 Billion.

Nag-commit na anya ang Meralco na bibilhin ang malaking supply ng power na mage-generate mula sa dalawang plantang ito.

Inaasahan namang magiging operational ang mga ito sa 2018-2019.

Read 132 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.