JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PALITAN NG DOLYAR VS PESO, PUMALO NA SA P48.25

Pumalo na sa higit P48.00 ang palitan ng piso kontra dolyar.

Ito na ang pinaka mahinang antas ng piso kontra dolyar sa loob ng pitong taon at ayon sa isang foreign exchange analyst posible pang humina ang piso.

Ayon kay Foreign Exchange Trader Matthew Cipriano, “The Foreign Investigator confidence right now is very uncertain, and we first saw this with the outflows in our equity market.”

Ayon naman sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang paghina ng piso ay epekto ng pag-aantay sa susunod na policy action ng US Federal Reserve.

“The peso movement reflected continuing uncertainty about the US Fed’s next policy action, just like the other regional currencies, plus strong FX demands for fixing and corporate requirements,” pahayag ni BSP Gov. Amado Tetangco.

Sinabi din ni Tetangco na magandang balita ang paglakas ng dolyar dahil posibleng makaapekto ang mahinang piso sa presyo ng ilang bilihin.

“The BSP stands ready to implement necessary policy actions to maintain the price stability conducive to balanced and sustainable economy.”

Tiniyak naman ng BSP na handa ang pamahalaan na magpatupad ng polisiya para mapanatiling stable ang presyo sa merkado.

Dagdag pa ng isang analyst hindi rin mabuti ang mahinang piso para sa foreign investors, dahil mas mapapamahal ang pagnenegosyo nila sa Pilipinas.

 

Read 2359 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.