JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
OIL PRICE HIKE NGAYONG ARAW

Matapos ang rollback noong nakaraang linggo, magpapatupad ngayong araw ng Martes (Setyembre 13) ng oil price hike ang ilang kompanya ng langis.

Ang oil price hike ay pinangunahan ng Flying V at Pilipinas Shell.

Ayon kay Julius Segovia, communication officer ng Flying V, epektibo alas-12:01 ng madaling araw ay tumaas ng 40 sentimos ang kada litro ng gasolina at 30 sentimos sa diesel habang walang paggalaw sa halaga ng kerosene.

Sa abiso naman ng Pilipinas Shell, bandang- 6:00 ng umaga magpapatupad ng kahalintulad na dagdag-presyo sa gasolina at diesel.

Asahan pa ang pagsunod ng ibang kompanya sa kaparehong halaga.

Ang bagong price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Read 169 times
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.