JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
ROLLBACK SA PRESYO NG PETROLYO NGAYONG ARAW

Nagpatupad ang iba’t ibang kumpanya ng langis ng pagkaltas sa presyo sa kanilang produktong diesel at kerosene.

Epektibo alas-sais ng umaga, may kaltas na ₱0.50 ang Total, Petron, PTT, Unioil, Eastern Petoleum, Phoenix, Caltex at Shell sa kanilang diesel.

Magkakaroon naman ng ₱0.35 na bawas sa presyo ng kerosene ang Petron, Caltex at Shell.

Simula naman kanina pang 12:01 ng hatinggabi ay ipinatupad na ng Flying V ang kaltas sa presyo ng kanilang diesel at kerosene, sa parehong halaga.

Ang nasabing rollback sa presyo ng diesel at kerosene ay bunsod na rin ng paggalaw sa presyo sa pandaigdigang merkado.

Read 173 times
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.