JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
Galawang Networking: Open minded ka ba sa Business? 5k mo gawin nating 10k

Sikat na sikat ang networking ngayon sa Pilipinas. Nariyan ang kung anu-anong mga kompanya na nag o-offer ng negosyong networking.

Kape tayo? Open minded ka ba sa business? 5k mo gawin nating 10k.

Ilan lang yan sa mga linya ng mga nag ne-negosyo ng networking.

Ano nga ba ang networking?

Ang NETWORKING ay isang type ng business na nagbibigay ng oportunidad sa mga negosyanteng magkaroon ng negosyo mula sa hindi naman kalakihang kapital. Ang ikinaganda ng Networking ay kumikita ka na, marami ka pang makikilalang mga tao na magiging kaibigan mo at matutulungan. Ito ang ibig sabihin ng Networking.

Ngunit minsan ay ginagamit ang networking sa scam. Kaya dapat pag-ingatan ang inyong seguridad dahil hindi biro ang paglalabas ng pera.

May mga gumagamit ng social networking sites upang mapalago at pagyamanin ang kanilang mga negosyo.

Usong uso ngayon yung mga produkto sa facebook na i-a-upload pagkatapos ay iaalok sa iba at kailangan mong mag recruit ng mga taong pwede ring magbenta.

Mas maraming ma recruit na tao mas malaki ang kikitain. 

Bakit nauso ang networking sa Pinas?

Unang una, sumikat ito dahil mahilig sa internet ang Pinoy, mas mabilis kumalat ang balita sa social media.

Pangalawa, mas nakakatipid ng oras ang pag ne-negosyo sa pamamagitan ng online networking.

Pangatlo, magaling mang-hikayat ang mga nag ne-networking.

Narito ang mga tips kung gusto mong pasukin ang ganitong uri ng negosyo. 

Pumili ng isang networking company na matagal na at subok na ang track record. Siguraduhin din ang kalidad ng bawat produktong kanilang binebenta. Alamin din kung ang mga produkto ay may mga kaukulang registration at ito ay nasuring maigi ng mga kinauukulan. 

Importante ding alamin ang mga taong nasa likod ng mga networking company na iyong papasukin. Ang kredibilidad hindi lamang ng kumpanya kundi maging mga may-ari nito ang magiging susi din ng iyong tagumpay sa negosyong ito.

 

 

Read 14899 times Last modified on Saturday, 30 April 2016 06:22
Share this article
More in this category: Fuel prices up today »

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.