JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
CERTIFICATE OF REGISTRATION NG PHILREM KINANSELA NG BSP

Kinansela na ng Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang certificate of registration ng PhilRem Service Corporation bilang isang remittance agent gayundin ang Werquick, Incorporated at Peso Remittance bilang mga foreign exchange dealers, money changers at remittance agent.

Ito'y matapos makitaan ng BSP ng paglabag sa section 4511 ng Manual of Regulations for non-bank financial institution at circular no. 706, ang updated Anti-Money Laundering rules and regulation na may petsang Enero 5, 2011.

Ang pagkansela sa rehistro ay may kaugnayan sa pagkakasangkot ng mga nabanggit na kumpanya at money changer sa $81 milyon na ninakaw mula sa Bank of Bangladesh.

Makikipagtulungan naman ang BSP sa Anti-Money Laundering Council at Department of Justice sa imbestigasyon para sa posibleng paghahain ng kasong kriminal at administratibo sa mga opisyal na nabanggit na kumpanya.

a.

Read 138 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.