JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
MERALCO, HANDA NA SA EPEKTO NG LA NIÑA

Tiniyak naman ng Meralco na handa ito sa pagpasok na La Niña sa bansa.

Kasabay nito, inanunsyo ng kumpanya ang pagpapalawig ng programa ng prepaid na kuryente para mapababa ang bayarin at makaiwas sa jumper.

Nitong nakaraang tag-init umabot sa 9600 megawatts ang demand ng kuryente sa Luzon pero ngayong tag-ulan bumababa na ito sa 9300 megawatts.

Sapat ang suplay kung maituturing kaya tingin ng Meralco kahit pa may mga plantang naka-maintenance shutdown ngayon, malabo raw na magkaroon ng rotating brown-out.

Ito ang sinuguro ng kumpanya bunsod na ring
ng nakaambang epekto ng La Niña.

Ayon sa Pagasa magdudulot ito nang mas matinding ulan at mga bagyo sa mga susunod na buwan na posibleng makadiskaril sa suplay ng kuryente. Mas paiigtingin din daw nito ang pakikipag-ugnayan sa Pagasa at iba pang ahensya ng gobyerno.

Kasabay nito inanunsyo ng kumpanya ang pagpapalawig ang prepaid metering program nito sa Metro Manila.

Ito'y matapos makuha ang go signal ng Energy Regulatory Commission para payagan itong maglabas ng dagdag na 100,000 prepaid meters.

Bukod sa nasa 80% sa bill ang natatapyas, iwas jumper o nakaw na kuryente rin ito.

Sa ngayon wala pang kalkulasyon kung magkano ang ipapasok na meter charge para sa pagpapalawig ng prepaid electricity ng Meralco.

Una nang nalagyan ng kumpanya ng prepaid meters ang Angono, Cainta, Taytay sa Rizal at ilang lugar sa Maynila.

Read 940 times
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.