JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn

Ganap nang nabuo bilang bagyo ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Eastern Visayas at pinangalanan itong “Carina”.

Sa weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyong Carina sa layong 195 kilometro Silangan ng Borongan City, Eastern Samar.

May taglay itong lakas ng hangin na umaabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at kumikilos sa bilis na 11 kilometers kada oras sa direksyong Northwest.

Ayon sa PAGASA, posibleng maghatid ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Bicol region, Eastern Visayas at CARAGA region na maaring magdulot ng flashfloods at landslides.

Sa ngayon ay wala pang storm signal na nakataas sa mga lugar sa bansa.

Gayunman, pinapayuhan pa rin ang mga mangingisda na iwasan muna ang maglayag sa eatern seaboards ng Luzon at Visayas dahil sa malakas na hangin na magdudulot ng malalaking alon.

Bukas ng umaga, inaasahang nasa 280 kilometers East ng Virac, Catanduanes ang bagyong Carina, at sa Linggo ng umaga ay nasa 255 kilometers East ng Casiguran, Aurora.

Read 863 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.

Broadcast Streaming

Top